Chapter 9. [Bus Ride]

116K 2.5K 105
                                    

KAYCEE'S POV

Sumakay kami ng bus, nagkataon walang bakanteng upuan. Kailangan tuloy sumabit. Hayss.

"Are you okay?"

"Okay lang ako. Ikaw?"

"Yeah. Mamaya may mauupuan rin tayo. Don't worry." tapos bigla siyang nagsmile.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Kinikilig ako. hihihi. Landi ko. Stop it Kaycee! Di porket crush mo si Chris gaganyan ka na.

Teka, crush? Bakit nasabi ko bigla yun? I mean. Bigla kong naisip. Oo na sige na crush na kung crush. Crush lang naman eh. Ayaw niyo maniwala?

CRUSH: noun // adjective

Slang for Infatuation, probably a mere Physical attraction

Oha? Ano? Napangiti ako nun bigla. Oo na sige na kinikilig na rin ako no.

"Hey. Are you okay?" Eh kasi naman 'tong bus na 'to. Nag-stop bigla. Bigla tuloy akong napasandal kay Chris sa dibdib niya. Medyo nafeel ko yung abs niya. Sheeeeeeeet. Ano bang pinag-iisip ko?! Oy di ko sinasadya yun ah! Basta nahulog ako sa kanya. 

"Ano, okay lang. Hehe. Yung bus kasi eh." Lumayo ako sa kanya at humawak uli sa sabitan. 

"Uy dun tayo o. Vacant seat." Ay salamat.

Pagkaupo namin, ako sa may window siya sa tabi ko, bigla akong natahimik at kinabahan. Eh kasi... ang lapit niya eh!

"So. What's your name?"

"Ah-- ako?" Ang lame ko! Natural ako yung kausap edi tinatanong pangalan ko. Nakakadistract kasi siya eh. Serious na nga.

"Yeah. It's okay if you don't want to tell me your name. I'm a stranger to you anyways."

"H-hindi! Ano ka ba. Uhm, Kaycee! Kaycee Domingo pala." tas inabot ko yung kamay ko sa kanya.

He smiled. "Chris. Chris Lee. Nice to meet you." At nagshake-hands kami.

BAKIT ANG LAMBOT NG KAMAY NIYA?! Binitawan ko kaagad yun dahil baka maadik ako sa kamay niya, baka di ko na yun bitawan! HAHAHA.

Ang landi ko talaga. Chansing ako eh no? Oo na Ms. Author papakabait nako.

(HAHAHAHAHAHAHAHAHA - Ms. Author)

"Hey. Ano pala course mo? Ngayon lang kasi kita nakikita sa campus eh."

"Mass Communication major in Advertising. I-ikaw?"

"Architecture."

"WOW! So, artistic ka pala. Buti ka pa may talent na ganyan!"

"Haha no. It's just my passion. But thanks. Eto pala yung susubmit kong plate later sa prof ko." Nilabas niya yung isang miniature...

dog house? 

"Dog house?"

"Haha, oo."

Para siyang bata. Na sobrang cute. Sarap kurutin sa cheeks! <3

"Hm. Medyo weird. Weird pala talaga. Pero okay na! Maganda naman eh." napakunot naman siya ng ulo. Tapos bigla ulit nagsmile.

"Talagang weird? Wow. You're the first one to say that." Ano daw? 

"May nasabi ba akong mali?"

"No! It's just that, alam kong weird 'to. Pero whenever I ask someone besides my friends, lahat sila "Ang ganda!" and "Wow!" Parang... di sila sure sa sinasabi nila."

"Haha. Ganon?"

"Yes. Kaya natuwa lang ako. Thanks." tapos ginulo niya yung buhok ko. 

"Ano ako aso mo?"

"Haha! Friends?" Ano daw?

Si Chris Lee. Gusto akong maging... friend?

"O-oo naman! Hehe. Why not?" Napalakas yung sagot ko kaya may mga napatingin samin. Naghush na lang ako. Oo na maingay na! Mass Comm eh hahahaha. Joke! 

"Wait! You want me to show you some of my works?"

"Talaga, okay lang?"

"Oo naman. Why not? Kailan ka free?"

"Ano... Sunday lang." Sunday kasi day-off ko sa Cuenca Family.

"Okay na yun! You can visit my house. Andun sa sarili kong space yung mga paintings, designs at miniatures ko. You can go right?"

"Ahm..." Okay. Niyayaya niya ako! Teka papayag ba ako? Oo na lang friend naman niya ako eh. Atsaka, hello! Kung niyaya ka ng crush mo na makita yung mga tago-tagong designs niya, di ka pa papayag? Pwes ako papayag! Sayang moment! Once in a lifetime lang 'to no!

"Please?"

"Sige na nga. Teka paano ako pupunta dun?"

*Mga bababa sa university, baba na!"

Bwiset na kundoktor 'to. Sayang moment!

"Hey let's go." Hinawakan niya ulit ako pababa ng bus. Okay ako na kinikilig!

"OMG."

"Sino kaholding-hands ni Chris?"

"Who's that girl?!"

Ano ba yan pinagbubulungan pa kami tuloy. Pero carry lang.

"Don't mind them."

"Ha? Oo naman. Haha. Sorry kung napag-usapan ka pa. "

"Tss. I don't care. Anyways, mauna na ko ha? Sabay tayo ulit bukas?"

Sabay? Kami? Ulit?

"Sige!" 

Nagsmile siya. "Glad to hear that. Sige bye!" tapos tumakbo na siya papuntang building niya.

Ngiting-ngiti naman ako papuntang building namin.

"Uy girl!" papalapit na sakin si Steffi at si Lianne.

"Oh bakit?"

"S-s-s-s-s-si... A-ano! S-si a-a-a-a--"

"Bakit ka ba nagsstutter Steffi?"

"Haynako Steffi! Ako na nga magsasabi."

"Ano ba kasi yun Lianne?"

"Si Blake Cuenca andun sa labas ng room natin. Hinahanap ka. Pinagkakaguluhan na nga siya eh. Puntahan mo na!"

What the? Bakit andun yung monster na yun? Argh!

"Bwiset!" tumakbo nako papuntang College of Arts and Letters Building para maabutan yung taong mag-eembarass na naman sakin! Yung gorillang yun! Aaaaah! I need to stop him!

The Young Master's Maid (EDITING)On viuen les histories. Descobreix ara