Chapter 14. [Date]

110K 2.3K 252
                                    

BLAKE'S POV



"...And this is my first painting. Back then, I love abstract paintings so I thought, why not create one?"

"Wow. Talaga? Ang galing mo naman Chris!" tss! Kairita.

Sila lang nagkakaintindihan. Shit, bakit ba kasi sumama pa ako kung naglalandian lang sila sa harapan ko? Argh... kung hindi ko lang bestfriend 'tong ungas na 'to.

Syempre natatakot ako. Baka mamaya kasi perahan lang siya ni Kaycee. Baka mamaya, aish! Ang mga maid, pareho-pareho lang...

"So, uhm... Cee?"

"Bakit Chris?"

"Gusto kitang i-paint. Can you sit there and just pose for awhile?" sabay turo dun sa sofa. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Si Chris ba 'to?!

"Hala, nakakahiya!"

"I insist. Please?"

"Uhm, okay." umupo na din si Alien maid dun sa sofa tapos...

Langya! Nagsmile at nagpose ba naman? Shit!

Umupo na din si Chris sa chair at nagsimula ng mag-paint.

Tinitignan ko lang sila... damn it! Hindi pwede 'to!

Bakit kasi sa lahat ng babae, si Kaycee pa? Maganda ba siya? Napatingin ako sa kanya... argh. Oo maganda siya. Pero maid ko lang siya! Bakit siya pa nagustuhan ng kaibigan ko?

Maya-maya natapos na yung landian nila. Binigay ni Chris yung painting na ginawa niya kay Kaycee.

"Chris. Thank you ha?"

"Haha. No problem. We're friends right?" friends?!

"Gusto mo bang ipagluto kita?" nagulat ako nung ngumiti si Chris.

"I'd love that. Lika, dalhin kita sa kitchen." tapos naglakad na sila papuntang kitchen.

Napaupo na lang ako sa dining table. Nakakairita!

Maya-maya umupo na din si Chris. Ngiting-ngiti ang gago.

"Grabe, ang sarap niyang kasama! Ibang-iba siya sa mga girls na--"

"Naghahabol sayo? Chris naman! Ang daming chics diyan, bakit si Kaycee pa? Eh maid ko lang yun eh!"

Bigla niya akong tinignan ng seryoso. "Wag mo namang bastusin si Cee. Babae yun. And it doesn't matter if she's your maid. I like her. Kaya pwede dude, wag ka nang mangielam?" aish... this bastard!

Haynako!

"Sige. Bahala kayo. Basta tandaan mo na may trabaho pa din siya. Maid ko pa rin siya."

"Yeah. Alam ko yun. Para kang bata Blake. Ano ba? May gusto ka rin ba kay Kaycee?"

"Gago. Wala." tangna naman. Parang tanga 'to.

"Mabuti na. Naninigurado lang ako." shit. Ang lakas ng tama ni Chris sa alien freak na yun.

Hindi na kami nag-usap after that. Ewan. Nawala ako sa mood.

Maya-maya dumating na si Kaycee dala-dala yung food malamang. Tss. Adobo pa yung niluto. Bakit ganun? Pagdating sakin hotdog at egg lang?

"Eto na, uhm... sana magustuhan mo Chris. Uhm... young master Blake, kumain ka na rin."

"Ayoko. Baka may lason yan." o kaya may gayuma. Tss.

"Okay... sige Chris kain na tayo."

"Thank you Cee. I'm sure masarap 'to." tumikim si Chris nung niluto niya. "Ang sarap nga!"

Nauumay ako.

"Bilisan niyo nga dyan!"

Hindi ata nila ako narinig. Paano ba naman, usap lang sila ng usap habang kumakain. Nagtatawanan pa! Bawal nga mag-usap kapag kumakain diba. Tss... Nababahala ako.

-----------------------------------------

Maya-maya after kumain. Gusto ko ng umuwi.

"Ano uwi na tayo maid!"

"Dude. Pwede mamaya na?" aish. Binigyan ko siya ng look na 'piss off!'

"Dude. May trabaho pa si Kaycee. Pasensya na." tinignan ko si maid na naka-tingin naman sa baba. Aish...

"Ano, di ka sasama?"

"Oo na po young master. Chris, thank you sa time ha?" nagulat ako nung biglang...

NAGYAKAPAN SILA!

"Haha. No problem Cee. Sana maulit 'to." aish. Ewan ko. Bigla akong nabadtrip. Para bang feeling ko, naagawan ako?

"Tara na!" sabay hila ko sa kamay ni Kaycee papalabas ng bahay ni Chris.

KAYCEE'S POV

Nakakainis naman 'tong si Blake! Panira ng moment! Grr. Ang saya-saya ko na eh. Kasama ko yung crush ko tapos... argh!

Teka lang...

"Yung kamay ko!" mukhang nagulat naman siya kaya nabitawan niya ako.

"Hay, ayaw pa kasing umuwi eh. Bilisan mo!" sinundan ko lang siya.

"Saan ba kasi tayo pupunta ha?"

"Basta sumunod ka na lang! Ang arte!" tss sabi ko nga.

Saan ba kasi kami pupunta?

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon