5- BOOMMM

10 1 1
                                    

KATANA POV

(yung time na umalis ang kambal sa dorm nila.)

Pumasok na ako sa room ko. Nilock ko kaagad at gumawa pa ng isa pang lock na gawa sa ice para safe talaga ako kung sakali may susi sila sa pinto ko.

Nag-inat ako saka tinanggal ko ang wig ko at ang contact lens na nilagay ko kanina para makaligo na ako at maayos ko na ang gamit ko sa mga lalagyan dito.

Pagkaligo ko, tinanggal ko kaagad ang makeup na nasa pisnge ko. Dont get me wrong, hindi talaga ako nagmamakeup pero ngayon kailangan ko kasi nandodoon ang isa kong tattoo na corona na pinkish at may pakpak na malaki na parang sa mga butterfly.

Kahit ayaw ko ng makeup, kailangan ko lagyan yun para hindi nila malaman na ako ang prinsesa.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos ko maligo at magbihis. May mahaba akong buhok na pink rin then may pagkagold kung titignan mo ng maigi. Ang mata ko naman gold na may black sa gilid. I look effin weird without my wig ang contacts. Mukha akong engkanto, siyempre engkantong maganda! Djk lang!

Susuklayin ko na sana ang buhok ko ng may naramdaman ako na nakatingin sa akin. Kaya pumunta ako sa tagong parte at kunyari na may kukunin Doon pero pag ka punta ko doon. Agad na gumamit ako ng invinsibility power ko, para tignan kung sino yun.

Titignan ko na sana kung sino pero may nakita kaagad ako na may pumasok sa bintana na dalawang lalaki na nakablack coat yung katulad lang last time na kinalaban ko na kamukha ni dracula.

Pinagmasdan ko lang sila nung una para malaman ko kung Anu ang pakay nila.

Sa tingin ko hinahanap nila ako, kasi halos puntahan na nila lahat ng sulok ng kwarto ko para lang mahanap ako. Kaya tinanggal ko na ang invinsibility power ko at finace to face ko silang dalawa.

"What do you want from me? Who brings you here?" Tanong ko sa kanila kaya napa tingin sila sa direksyon ko.

Napangiti agad sila pagkakita nila sa akin kaya ngumiti rin ako ng matamis sa kanila.
Siguro sa tingin nila na isang babae na katulad ko ay mahina pwes nagkakamali sila

"I said what do you want from me?"

Ngumiti lang sila lalo at bigla na lang ako sinugod ng isa.

Binatuhan niya ako ng maraming dark balls pero iniwasan ko lahat ng Iyon ng mabilis. kaya nainis siya, dont you ever undersetimated me!

Gumawa siya ng dark sword niya kaya gumawa rin ako ng thunder sword ko para fair lang. Kahit kaya ko siyang patayin ng isang pitikan lang, lumalaban pa rin ako  ng patas.

Isang kamay lang ginagamit ko kasi alam ko anytime pwede sumugud ang isang lalaki sa akin. At hindi ako nagkakamali sumugod siya at pinapatamaan ako ng dark arrows na sa tingin ko ay may poison kaya tumalon ako para makaiwas ako sa kanila. Ng makaiwas ako, gumawa ako ng isa kong clone para 2 on 2 ang laban namin.

Nagtataka kayo kung bakit ko pa pinapatagal ang laban nohh? Sige sasabihin ko na lang. Ensayo ko na rin kasi  ito para sa susunod na tournament, kailangan kong patagalin ang laban ko para sabihin nilang mahina ako at walang kwenta para hindi nila mahalata na ako ang prinsesa na hinihintay nila. Kaya eto ako nagaacting na mahina at napapagod na sa laban namin.

Sumusogod agad ang dalawa sa amin. Binatuhan nila kami ng maraming dagger pero gumawa lang kami ng shield ng clone ko at agad na tumira ng thunderbomb sa gitna nila at sabay kami nagpakawala ng maraming thunder balls sa kanila naglikha ito ng malaking pagsabog kaya halos sira sira na ang kwart namin, nakita ko pa sila na naging abo at nawala, sabay ng pagkawala rin ng clone na ginawa ko.

Tumingin ako sa paligid ako, sira ang mga dingding at ultimo pati kama ko na sira.
Nagsnap ako ng finger ko at wala pa sa isang iglap nasuot ko na ang wig at ang contacts ko pati ang tattoo na nasa pisnge ko nakaseal na.

Muntikan na ako doon, may nakita kasi ako sa malapit na may tumatakbo na mga guro at estudyante papunta sa akin para tignan kung anu ang sumabog.

*******

TRIXX POV

(Continuation kay HM sa last chapter)

"Pinatawag ko kayo dahil gusto ko lang sabihin sa inyo na bantayan niyo palagi ang masungit kong pamangkin. Wag niyo siya hahayaan na mapahamak, lalo na at may ipapagawa ako sa inyong importanteng misyon sa susunod na buwan kaya kailangan maghanda kayo at magensayo. Yun lang at maaari na kayo makaalis" sabi sa amin ni HM

Ay wow, thoughtful pala si HM akala ko puro pangtorture lang ang alam niya hahaha okay shut up na lang ako baka mabasa niya pa ang isip ko, delikado na hahaha.

"HM kasama po ba si Tana sa mission namin? At bakit sa susunod na buwan kaagad? Ehh hindi pa nga po kami nagsisimula ng klase"nagtataka na sabi ni J kay HM. Oo nga nohh!

"May sinabi ba ako na magsalita kayo? Di ba ang sabi ko sa inyo ay pwede na kayo umalis, hindi magtanong kung may tanong kayo? Kaya alis na, No more questions!" Grabe naman ito si HM katakot! Mag-tito nga sila ni Tana! Nakakatakot at masungit!.huhuhu

"Okay po HM, kami ay aalis na" sabi  ni brix kay HM na nakayuko.

"Tsskk." Umirap pa si Kaiser bago umalis.

Kaya tumayo na rin ako kasabay ni J para makaalis na dito. Balak aso takot kasi si HM ehh. huhuhu....

Pagkalabas namin binatukan ko kaagad si J kaya tumingin siya sa akin at binato ako ng masamang tingin kaya binelatan ko lang siya.

"Ikaw kasi Ehh! Tignan mo nagalit tuloy si HM sa atin" sigaw ko sa kanya

"Aba't kasalanan ko ba na magkaparehas sila ng ugali ni Tana? Kaya nagsungit agad at nainis sa atin ka agad? Sa Gwapo ko ba naman ito talagang maiinis siya hahahah!"
Binatukan ko ulit siya dahil sa sagot niya pa akin

"Kasalanan mo talaga kasi kung hindi ka nagsalita hindi tayo susungitan ni HM! Hmmpph! Saka yan? Gwapo? Saan banda? At hindi ko makita!  Nainis si HM sayo kasi ang ingay mo at ang pangit mo kaya dont ME. Hindi ka Gwapo" dinuduro ko pa siya at nagsmile na parang victory smile kung tignan mo. Bwahahaha

"Ewan ko sayo basta G-W-A-P-O Gwapo ako. Bulag ka siguro kaya hindi mo makita ang pagiging magandang lalaki ko. Blehhh! " binelatan pa ako. Ang childish talaga nito!

"GAGO ata at hindi Gwapo! Blehhh!" Ni labas ko ang dila ko at nagmake face pa

"Tumigil na nga kayo baka may magising pa sa bangayan niyo ehhh. Hindi na ako magtataka kung kayo ang magkakatuluyan sa huli." Nagevil grin pa itong kambal ko. walang hiya talaga to.

Tumigil naman na kami kasi may nagsaway na sa amin na guard, maingay daw kami at nakakagambala na daw sa natutulog.

Whatever guard, bunganga ko to kaya gagawin ko ang gusto ko De joke lang. Shattap na nga ohh..hahaha--

*BOOOOMMMM* napatingin kaagad ako kung saan banda galing ang pagsabog.
Nag-alala kaagad ako kasi doon ang direksiyon ng room namin ni brixx, kung saan nagpapahinga ngayon si Tana.

Nakita ko na lang na tumakbo na si Kaiser, kaya tumakbo na rin kami doon.

The Only PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant