7- FIRST DAY OF HELL

4 0 0
                                    

Walang net kaya ngayon lang ako nakapagupdate ng chapter. Huhuhu sorry talaga guys. Last week pa to tinapos pero walang net kaya hindi ko nai-publish pero nakagawa naman na ako ng paraan kaya ngayon.

Sorry talaga. ENJOY

---------

Lumabas na lang ako ng room namin at nauna na bumaba ng building. Sa labas na lang ako maghihintay sa kanila. Para kahit papaano ay makapagpahangin saglit.

Umupo ako saglit sa bench na nakita ko sa harap nitong building namin.

Bago pa man ako nakaupo ay may nakita akong dumaan na paruparo na kakaiba.
Tinitigan ko lamang siya at parang may kakaibang pwersa ang humahatak sa akin at pinipilit na sundan ko ito.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko siya tinatawag na kakaiba.

Ganito kasi yon, ang natural na butterfly dito sa mundong ito ay may halo-halong kulay, na ultimo lahat ng kulay ay nandodoon na sa pakpak niya na malaki. Pero itong butterfly na tinitignan ko ngayon ay may gold at silver na kulay, hindi lang iyon, kasi parang may gold dust o pixie dust siya na nahuhulog sa pak pak niya. Yung katulad sa tinkerbell na movie.

So, dito nanaman nagtrigger ang curiousity ko.

Hinayaan ko ang sarili ko na sundan ang munting butterfly na ito. Hanggang sa nakaabot kami sa lugar na ito. Hindi ko alam kung saang parte ito but this place, it is so refreshing. Nakakatanggal ng problema.

Magaan sa loob at tahimik ang lugar na ito. May malaking puno sa sentro ng lugar na kung saan madaming mga butterfly ang nagsisiliparan. Pagkatapos kong hanga-an ang lugar na ito ay hinanap ulit ng mga mata ko ang butterfly na nagturo ng lugar na ito ngunit hindi ko na ulit siya nakita.

Kaya pumunta kaagad ako kung nasaan ang puno at sinimulang akyatin ito.

Pagkaakyat ko ay nakita ko kaagad sa malayo ang school. Ganito pala kalayo ang pinuntahan ko kasama ang butterfly na kanina ko pa sinusundan. Kaya umupo muna ako sa isa sa mga sanga at tinignan ng mabuti ang lugar.

Mabuti na lang pala at sinundan ko yung butterfly kanina kundi hindi ko makikita ang lugar na ito.

Nagstay ako doon ng mga 30 minutes at nagpasyang umalis na. Baka kasi nag- aalala na yung mga kasamahan ko at hinanap na ako sa buong campus. Tsktsktsk

Kaya para sure, gumamit ako ng teleport at *PPOOOOFF*

Nandito na ako sa hallway.

Nakita ko kaagad ang dalawang tao sa malayo na parang may hinahanap. Ayy! hindi pala parang, naghahanap talaga sila.
nakikita mo talaga sa mata nila ang pag-alala. Kahit na malayo ang distansya ko sa kanila ay kaya ko parin makita ang mga expression ng mga tao at madali ko lang rin silang mabasa.

Itinaas ko na lang ang isa kong kamay para makita nila ako. Kaya wala pang 5 seconds ay dinambahan na nila ako.

"Hooyy! Ikaw! Walang hiya ka! Pinag-alala mo kami. Paano na lang kung maligaw ka or something?"brixx. Tumatayo na kami ng sinabi niya yan. May pa duro-duro pa yan ng daliri niya sa akin.

"Oo nga! Paano na lang kung may mangyari sayong masama at wala kami para tulungan ka or ipagtanggol ka laban sa kanila! Tsktsk"iling iling pang sabi ni trixx sa akin with matching pamewang pa. Pero pinagpatuloy niya pa rin ang sinasabi niya

"Naging pasaway ka ng bata ka ahhh! Hindi mo man lang iniisip na may nag-aalala sayo dito! Para saan pa at naging nanay mo ako kung hindi kita kayang sawayin kaya brixx kumuha ka ng dospordos doon sa bahay at----- ouch! Aray naman brixx, wag ka namang mambatok! Masakit kaya!" Sabi niya habang kumakamot sa ulo niyang binatukan ni brixx. Nagpopout pa ang nanay ko "kuno"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only PrincessWhere stories live. Discover now