Chapter 4

5.3K 217 22
                                    

Gumising ako nang maaga para pumunta sa National Museum. Gusto ko talagang makita ang paintings si Lolo Gilbert. Hindi ko pa man siya nakikita ay pakiramdam ko, mamamangha na ako sa mga iyon.

Tulog pa si Lolo nang bumangon ako. Talagang napagod siya. Gayon pa man, masaya ako sa mga nangyari kahapon.

"Saan ka pupunta, Benj?" Tanong ni Mama. "Maaga pa. Kumain ka muna."

"Pupunta po akong National Museum. Gusto kong makita ang mga paintings ni Lolo."

Nanlaki ang mata ni Mama. "Sinabi sayo ng Lolo mo ang tungkol doon?"

"Opo at kumain na ulit siya sa Jollibee." Masaya kong sagot. "Sige po, mauuna na ako. Sa daan na lang ako kakain."

"Sige mag-ingat ka anak."

Hindi pa din mawala sa mukha ni Mama ang pagkagulat. Marahil alam na din niya ang kwento tungkol kay Lola Lydia.

Nag drive ako papunta sa museum. Sakto ang pagpunta ko dahil wala pang masyadong tao doon at tila ba solo ko ang buong museum.

Hinanap ko agad ang mga obra ni Lolo at hindi nga ako nagkamali. Namangha ako sa mga nakita ko. Hindi ko akalain na kaya palang gumawa ng ganito kagandang obra ni Lolo Gilbert. Mas lalong tumaas ang pagtingin ko sa kanya.

Ang unang painting na nakita ko ay obra ng isang babae na masayang naglalakad sa tabi ng dagat. Maganda ang babae na iyon. Hindi ko maipaliwanag pero nahahawa ako sa saya na meron siya kaya hindi ko na rin napigilan na mapangiti.

Sa susunod na painting, isang babae na naman ang nakita ko at habang pinagmamasdan ko siya ay parehong babae sa unang painting ang nakita ko. Sa painting naman na 'to, nag ba-ballet ang babae sa isang stage nang mag-isa. Kita pa rin sa mukha niya ang saya at kagaya ng unang painting, hindi ko na naman maiwasan na mapangiti.

May kakaiba talaga sa babae na nasa painting ni Lolo Gilbert.

Sa pangatlong painting, parehong babae na naman ang nakita ko at sa larawan na iyon ay nakatayo lang ito sa malayo at para bang nakatingin siya mismo sa'yo. Doon pa lang makikita mo na ang lalim ng mga obra ni Lolo Gilbert.

Naglibot pa ako at napansin ko na karamihan ng mga paintings ni Lolo Gilbert, iisang babae lang ang nandoon. Napaisip tuloy ako bigla, "Posible kayang si Lola Lydia ang mga iyon?" bulong ko sa sarili ko.

Tapos na akong maglibot. Nakaramdam na ako ng pagod kaya nagpasya na akong umalis. Nag drive ako papunta sa isang coffee shop malapit sa museum.

Habang umiinom ng kape ay tinignan ko ang mga litrato na kinuha ko kanina sa museum. Ang ganda ng lugar na iyon at lahat ng mga nandon. Sa isang picture, may nahagip pala akong isang babae na nakatingin sa isang painting. Habang inuubos ko ang kape ko ay may nakita akong isang babae sa coffee shop, napansin ko siya dahil kamukhang kamukha niya ang babae na nakuhanan ko sa picture ko. Parehong pareho sila ng suot na damit. Tingin ko nga iisa lang sila pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko siya napansin, pakiramdam ko ay kasi nakita ko na siya dati pero hindi ko lang matandaan.

Habang nakatingin ako sa kanya, nagulat ako dahil lumapit siya sakin dala ang kape niya.

"Hey," sambit niya. "Ikaw ba 'yong guy na tumulong sa Lola ko the other day?" tanong niya. Bigla ko siyang naalala. Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Siya pala ang apo ni Lola Lydia. "Benj ang pangalan mo 'di ba?"

"Ako nga, ikaw si Sarah, hindi ba?"

"Ako nga," masaya niyang sabi. "Buti na lang nakita kita. Can I offer you something? Another drink or food?"

By Chance of Fate by blue_maidenWhere stories live. Discover now