Chapter 5

7.1K 241 33
                                    

Lolo Gilbert's point of view

Maaga raw umalis si Benjo ng bahay. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Balak ko pa naman sana siyang ayain mag-jogging. Siguro pupuntahan niya ang mga kaibigan niya. Kung tutuusin, hindi lang naman dapat sa amin lang i-ikot ang bakasyon niya dito.

"Good morning tatay," bati ng anak ko. "Kumain po muna kayo ng almusal bago kayo mag-jogging."

"Salamat, anak," Umupo ako sa lamesa at kumuha ng makakakain. "Sinabi ba ni Benjo kung anong oras siya uuwi ngayong araw?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi tatay, baka gabihin na din siya. May kailangan ba kayo sa kanya?"

"Wala naman, gusto ko sana siyang ayain mag jogging ngayon pero naisip ko na hindi lang din naman sa atin i-ikot ang bakasyon niya dito sa Pilipinas."

Lumapit sa akin si Rose at hinawakan niya ang balikat ko. "Tatay, hayaan niyo na po. Alam ko naman na mas madaming igugugol na panahon sa atin si Benj."

Tumanago ako sa sinabi niya. Tama ang anak ko, alam kong mas madaming oras ang ibibigay sa amin ng apo ko.

Pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ako para makapagjogging ako. Tinakbo ko ang daan na palagi kong dinadaanan hanggang sa huminto ako sa park, sa tapat ng

Hindi ko din lubos na maipaliwanag kung bakit bigla na lang akong kumain ulit dito. Siguro dahil sa mga bagay na napagtanto ko. Masyadong maikli na lang ang panahon ko sa mundo at wala na dapat puwang ang kahit na akong galit sa akin. Dapat ay ginagawa ko ang mga bagay na alam kong makakapagpasaya sa akin at isa sa mga iyon ay ang kumain sa paborito kong kainan.

Sa pagod na rin siguro ay nakaramdam ako ng pagkagutom. Pumunta ako ng Jollibee at umorder ng makakain. Katulad pa din ng dati, umorder ako ng Spaghetti, Yumburger, Fries at Chocolate Sundae.

Ang tagal na panahon na pero ganon pa rin kasarap ang mga pagkain sa Jollibee. Para bang binabalik ako nito sa panahon ko. Lahat ng alaala ng nakaraan ay bumabalik sa bawat kagat. Masaya ako na sa tagal ng panahon, napag desisyunan kong kumain na ulit dito.

Hindi ako nakaupo sa paborito kong pwesto dahil may tao pa doon kanina. Nakaupo ako sa hindi kalayuan at nang makita ko na umalis na ang mga nakaupo doon kanina ay dali-dali akong tumayo para doon na umupo. Ang problema nga lang ay naunahan ako ng isang matandang babae.

Bumalik na lang ako sa upuan ko.

Napatingin ako sa babaeng kumuha ng upuan ako. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko na akala ko ay inaatake ako sa puso pero hindi pala iyon ang dahilan. Matagal na panahon na simula ng huli kong makita si Lydia kaya hindi ko na alam kung ano na ba ang itsura niya ngayon pero habang tinititigan ko nang matagal ang matandang babae na iyon ay pumapasok sa isip ko si Lydia.

"Posible bang siya iyon?" Bulong ko sa sarili ko.

Umalis na at lahat ang babae na iyon pero hindi ko pa rin siya nalapitan para ikumpirma kung tama nga ba ang hinala ko na siya si Lydia. Siguro, wala rin akong lakas ng loob. Paano na lang kung hindi siya iyon? At isa pa, hindi ko na rin dapat siya iniisip pa.

Inubos ko na ang ng Spaghetti, Yumburger, Fries at Chocolate Sundae ko at nagpasya nang umalis. Binati ako ng masayahing crew ng Jollibee gaya ng dati habang papalabas ng pinto. Doon ko na-realize kung gaano ko na-miss ang pagkain dito.

Bago ako umuwi ng bahay ay nagpasya muna akong dumalaw sa puntod ni Anne.

Isang linggo pa lang simula ng dumalaw ako dito pero may ilang dumi na sa paligid ng puntod niya. Agad ko itong nilinis.

By Chance of Fate by blue_maidenWhere stories live. Discover now