10 Liham ng Pag-ibig

411 2 2
                                    

(There are too many errors here since MS Word have this autocorrect kyeme.I'll fix them soon)

Dear Diary,                             September 8, 2009

Hayy…hindi ko akalaing magkakacrush ako sa bestfriend ko na si Dana.Ilang taon na kaming close,magbestfriend at nagtuturingang magkapatid.Kuya niya ako, laging kausap,kaasaran,kadaldalan.sakin din siya umiiyak minsan.Sweet na bestfriend pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kanya.

Dear Diary,                             September 9, 2009

Sabi sa akin ni Jeremy dati pa daw kami M.U ni Dana, hindi ko lang napapansin dahil nga sa mag-bestfriend kami. Sabi rin niya thoughtful din daw ako kay Dana pero hindi ko lang din ulit napapansin katulad ng pagsabi na lagi siyang mag-aral,huwag mag-skip ng lunch at laging magpractice mag-drawing.

Dear Diary,                     September 10,2009

Habang tumatagal,natatakot ako.Natatakot ako na lalong magkagusto kay Dana.Pakiramdam ko parang unti unting mawawala yung pagkakaibigan namin,natatakot akong hindi rin ako gusto ni Dana,natatakot akong mawala yun.Mahirap ibalik ang pagkakaibigan kung ganun nga ang mangyari.Baka sabihin niya ginamit ko lang ang pagkakaibigan naming pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko.

Dear Diary,                                     September 15, 2009

Pasimple na akong umiiwas kay Dana,feeling ko na nakakaramdam din siya iniiwasan ko siya.Pasimple pa siyang bumabanat sa mga G.M niya na snob ako ngayon pero syempre ibabalik ko din yung mga patama niya sa akin para hindi naman siya magtampo.Hay. . .naguguluhan na ako.

Dear Diary,                                     September 17, 2009

        Sabi ni Jeremy subukan ko daw ilabas yung mga nararamdaman ko dahil hindi maganda na ikimkim ko ang mga nararamdaman ko.Mas “pressure” nga daw dahil mas mabigst ang magiging pakiramdam ko. Subukan ko daw isulat ang mga nararamdaman ko,mga saluobin ko para kay Dana,sa paraan na iyon mas gagaan daw yung pakiramdam ko.

Dear Diary,                             September 21, 2009

        Medyo nakatulong naman yung payo ni Jeremy na isulat ko nga yung nararamdaman ko.Pinapansin ko na rin si Dana pero hindi kasing close noong katulad sa dati.Sinasabi ng isip ko na huwag ko ng ituloy ang nararamdaman ko sa kanya dahil mas maganda na maging kaibigan ko na lang siya.Medyo masakit nga kung tutuusin.

Dear Diary                      September 23, 2009

Mga liham.Simpleng sagot ni Xander habang tinatry yung bagong tindang shake sa cafeteria.Subukan ko daw gumawa ng liham para kay Dana,mas maganda sa love letter pero hindi sing-corny nun.Subukan ko siyang pangitiin ulet.Kahit isang subok lang daw dahil wala naman daw mawawala.Baka  mas makatulong pa nga daw yun sa sitwasyon ko ngayon.

Dear Diary,                                     September       28, 2009

        Sinubukan ko na ngang gumawa ng mga liham. Hindi ako gaanong magaling nga sa pagsusulat noong mga liham nay n basta sinulat ko lang yung mga nararamdaman ko at gusto kong sabihin sa kanya. Pinapansin ko na siya ngayon pero mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.Sana naman hindi tungkol ito sa akin,hay..Eto nga pala ang sample.

Dear Dana,

        Tuwing nakikita ko ang ngiti mo tila tumitigil ang mundo ko. Bawat ngiti mo alam kong balot iyon ng kaligayahan.Bawat ngiti mo ay napapangiti na rin ako.Sana..sana alam mo kung paano mo ako napapasaya,kahit yung saglit na mga sandal na iyon,ang saya ko na rin.

10 Liham ng Pag-ibig+ Summer Story+ Second Chance (Trilogy)Onde histórias criam vida. Descubra agora