Summer Story

130 2 0
                                    

A/N: Part two of Sampung Liham ng Pag-ibig. I tried my best for this, I hope you’ll appreciate. This was inspired by Silent Sanctuary’s song, Summer Story.

Dear Diary,                                                                             April 2,2010

        Hanggang ngayon palang summer eh buhay pa din ‘tong diary na ‘to. Ewan ko ba, hanggang ngayon matyaga pa din akong naghihintay kay Dana. Mag-lilimang buwan na paal si Dana at ng boyfriend niya. Maglilimang na akong naghihintay. Ewan ko kung naghihitay ako para sa wala, pero mas maigi ng maghintay ako kesa walang ginagawa.

Dear Diary,                                                                             April 3,2010

        Bestfriend lang. Hanggang ganun lang kami ngayon. Ewan ko ba, ang awkward no? Bestfriend ko pa din ang soon to be girlfriend ko. Joke. Ang sabi niya habang binabati niya ako eh “kuya” at “mahal ko talaga ang bestfirend ko”. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o dapat maging malungkot dahil hanggang “bestfriend” lang kami. Ah, oo nga pala, monthsary nila ngayon kaya wala si Dana. Pumunta sila sa Subic. Mukhang masaya si Dana kasama ang boyfriend niya. Ewan ko kung dapat hindi na ako mamagitan pa. Masaya na si Dana kasama siya, masaya na ako ng ganun.

Dear Diary,                                                                             April 4, 2010

        Hahaha, nakakatuwa naman si Dana, binigyan ako ng dolphin na stuffed toy. Parang bata talaga. Pero okay naman, at least naaalala niya pa din ako. Nana nga pala ‘yung pangalan nung dolphin. Galing ‘yun sa Dana, Da-NA. Nana. Hahaha, ang korni ko.Kahit papano sumaya ako. Salamat Dana!!!!!! Maghihintay talaga ako.

Dear Diary,                                                                             April 6,2010

        Sinamahan ko si Dana sa mall ngayon para bumili sa isang sports shop. Walang malisya. Pero ‘yung boyfriend niya iba ang iniisip. Pinagalitan si Dana na parang bata. Tssk..kung ako lang talaga sana ‘yan eh.Gustong gusto ko sagutin ‘yung lalaking ‘yun eh. Pinigilan lang ako ni Dana. Eh kasi, siya naman kasi eh. Kasalanan niya talaga. Eh ayaw niyang samahan si Dana, eh ‘di ako ang sumama. Ako na nga pumupunan sa mga pagkukulang mo tapos magagalit ka kay Dana samantalang iresponsable ka naman. Umiyak tuloy si Dana. Eh kung ako sana ‘yan Dana, hinding-hindi ka iiyak. Hinding-hindi. Kaso hindi ako ‘yan. At wala akong magawa.

Dear Diary,                                                                             April 7,2010

        Bukas, April 8, six months simula noong narealize kong mahal ko ang bestfriend ko. Six months na pala simula nangyari ang lahat. Parang ang bilis pero matagal din at the same time dahil nga may hinihintay ako. Sana ayos lang na makita ko si Dana bukas. Gusto ko siyang makita eh. Lalo na’t bukas nga ang lahaaaaaaaaaat hahahaha.

Dear Diary,                                                                             April 8, 2010

        Masaya ako ngayong araw. Nakasama ko siya kahit saglit lang dahil umepal na naman ang boyfriend niya. Bwiset. Dapat kasi ako na lang hahahahaha. Kahit papano napakita kong mahal ko si Dana ngayon. Binigyan ko din siya ng dolphin na stuffed toy. Lulu ‘yung pinangalan niya, galing daw ‘yun sa isang anime. Ewan ko ba dun, ang daming alam. Nilibre ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Kahit papano napasaya ko siya ngayon. Mission success ka Louie!!! Haha, kung di lang talaga umepal ‘yung lalaking ‘yun. Ah basta, masaya ako woooooooooooo!

10 Liham ng Pag-ibig+ Summer Story+ Second Chance (Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon