4: Kidnapped

64.5K 1.2K 23
                                    

HEAVEN' POV

"Mommy, bakit po ba kailangan mag-dress pako?" Nayayamot kong tanong kay Mommy, kakain lang naman kami sa labas.

"Syempre baby, para maganda ka lalo heheh "

"Ewan ko sayo Mommy ang labo mong kausap." Tapos ay pumasok nako ng banyo ng kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos nun ay bumaba na'ko, nandun si Ate at daddy pati si Mommy. Bihis na silang lahat at napansin ko ang kakaibang ngiti nila pero hinayaan ko na lang.

"Ayieeh, ang ganda ganda talaga ng baby ko!" Si mommy with matching palakpak pa.

"Mommy naman wag nyo nakong tawaging baby antanda-tanda ko na." sabi ko.

"Whatever baby! Ikaw pa rin ang bunso ko ang baby ko." nakapangiti na lang ako. Kahit may pagka-immature ang nanay ko the best at sweet yan!

"Let's go na po." yaya ko sa kanila.

Sumakay na kaming kotse. Si daddy ang driver na katabi ni Mommy sabay sa likod kami ni Ate.

Mga isang oras ang lumipas ng tumigil ang sasakyan sa isang restaurant. Actually pamilyar itong resto.

Pumasok na kami sa loob maramirami ang customer na kumakain nahagip agad ng mata ko ang babaeng patakbong naglalakad papalapit kay mommy.

"SISTAAAAHHHH!!!" Sigaw ni Tita Vi.

"SIS!" si mommy mangiyakngiyak na yumakap.

Ganan talaga sila TANDEM. eksenang parang ilang taong hindi nagkita.

"Kapatid! Nice to see you again!" Bati naman ni Tito Santi kay daddy.

"Wow! Ihja's ang gaganda nyo tonight ! Lalo kana Heaven! Hihi" baling sakin ni Tita Vi pinisil pisil pa niya ang pisngi ko.

"H-hehe ikaw talaga tita." sabi ko habang hinihimas ang pisngi.

"Tara tara kayo dito!" Magsiglang yaya ni Tita papunta sa pwesto nila ni Tito.

Nakahinga ako ng maluwag mabuti na lang wala si Vayne.

Yep. Si Vayne, our family are really close except from me and Vayne kung tutuusin para kaming iisang pamilya. Matagal ko na siyang kilala since ten years old. Naging crush ko siya dati. Bata pa ako nun at saka totoong gwapo talaga siya. Nawala lang ang pagka-crush ko sa kanya simula noong nabalitaan ko ang pagiging playboy niya.

"Nasan nga pala si Vayne sis?" tanong ni Mommy kay Tita vi habang kumakain na kami.

Ngumuso naman si Tita. "Actually, pupunta na yun hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa, honey tawagan mo nga si Vayne" sabi ni Tita at bumaling kay Tito Santi na agad naman nilabas ang phone at tinawagan si Vayne.

"Oh, anjan na pala si Vayne." nakangiting sabi ni Tito Santi sabay-sabay naman kaming napalingon sa entrance nitong resto.

Suddenly, I'm Married with a PlayboyWhere stories live. Discover now