5: Sa Pilitang Kasal

60.8K 1.2K 28
                                    


HEAVEN'POV

"Gising na.." Mahinahong boses ng isang matanda.

Unti-unti akong nagmulat ng mata at agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at napatitig sa matandang babaeng gumising sakin na sa tantsya ako ay fifthy plus na ang edad nito.

Saglit nga, paanong napunta ako sa ganito kagandang kwarto? Edi ba nga may mga maton na nangidnap sakin? Kasama ang pamilyar na boses ng isang lalaki? Baka naman panaginip lang 'yun.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto kulay puti ito at may malaking painting, king size bed din na kulay pula naman ang kamang inuupuan ko.

Nabaling ang atensyon ko sa matanda ng magsalita ulit ito.
"Ang ganda ganda mo ihja, halika sumunod ka na sakin magsisimula na ang kasal mo" nakangiting saad nito at lumabas ng silid.

Naiwan akong nakanganga at hindi pa makapaniwala. Parang bigla akong nanghina.

Saka ko napansin ang malaking salamin na nasa harap ng kama at duon ko napagtanto ang suot-suot kong puting gown at magandang make-up sa mukha ko, nakaayos rin ang buhok ko na ang style ay messy hair at may belo.

Napatakip ako sa bibig ko ng mabuo ang ideya ng lahat ng ito.

Mula sa pagkakakidnap at pag-gising ko ng nakapang-kasal na. Ganon ba talaga kadesperada ang mga magulang namin para ikasal lang kami?

Naramdaman ko ang mabilis na pagtulo ng luha ko. Hindi pwede! Hindi pwedeng ikasal ako. Kailangan makaalis ako dito. Hindi nila ako pwedeng pilitin dahil hindi ito laro.

Agad akong tumayo at pinapahid ang luhang lumapit sa pintuan ngunit nabigo ako dahil naka-lock ito pagkatapos ay lumingon lingon uli ako sa paligid, wala ni isang pwede pang paglabasan, walang bintana.

Lalo akong naiyak, ng maisip kung ito na ata talaga ang kapalaran ko.

Ang makasal sa isang Vayne Santino Del mar na hindi ko pinangarap maging asawa!

Napasandal ako sa pinto at napaupo, humagulgol ako ng iyak. Gusto kong magalit sa parents ko kung bakit kailangan nila ito gawin sakin.

Bigla naman bumukas ang pintuan at bumungad sakin uli 'yung matandang gumising sakin kanina.

"Ihja, naghihintay na sayo ang sasakyan papuntang simbahan, halika na." malumanay na sabi niya at hinaplos ako sa buhok saka niya ko inalalayan tumayo at lumabas.

Humihikbing sumunod ako. "Tahan na ihja." sabi pa niya.

Pagkalabas namin ng silid ay may dalwang lalaking nakasunod samin pababa ng hagdan.

Wala sa sariling naglalakad ako at sumakay ng sasakyan, pakiramdam ko'y nagkalat narin ang make-up sa mukha ko dahil sa walang tigil kong kaiiyak.

Nakakainis isipin na planado ang lahat.

"Tahan na ihja, maging masaya ka dapat sa araw ng kasal mo." sabi pa ng matandang babae sakin na ngayo'y katabi ko.

Suddenly, I'm Married with a Playboyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن