Chapter 7

11.9K 256 7
                                    

               Tama nga ang hinala ni Patrick. Nakabarong tagalog ang karamihan sa mga lalaki habang ang mga babae naman ay mukhang mga kauri ni Maria Clara. Especially the ninangs, filipiniana ang dating ng mga kasuotan.

It was ten minutes before the official start of the wedding. Mga ilang minutes pa siyang naghihintay. Pero parang nasasakal na siya sa suot niya. Tiim bagang siyang binabantayan ng kuya niya na best man ng kasal. Takot lang nitong tumakas siya. Yung ama naman niya ay nakikipag-usap sa ibang mga ninong ng kasal. His bestfriend Tristan was being entertained by some of the bridesmaids. Mukhang pinag-aagawan nga ito ng mga kaibigan ni Camille. Saan ba naman din sila makakakuha ng tulad ng kaibigan niya na tila complete package na, mayaman, matalino, at gwapo.

Labing limang minuto na siyang naghihintay. Kung tumakas at nagtanan na si Camille kasama ni Joshua Dominguez, his ego can take the hit. Di man sya ang may gusto nito. Di na man sya ang lubos na mapapahiya. Wala namang siyang pakialam sa mga tao dito o sa kung ano man ang iniisip nila.

Sa totoo lang, inip na inip na siya. Kanina niya pa gustong itanong kung matutuloy pa ba. Dahil may site pa siyang kelangan puntahan at may tatapusin pa siyang mga plano para sa susunod na project nya. Kung di niya lang kaibigan si Tristan, baka di nito pinalampas ang pagiging okupado niya sa mga bagay na labas sa trabaho niya.

"Position everyone. Nandyan na ang bride," sigaw ng baklang organizer na tila nataranta. Nagsiupuan na ang guests. Nasa harap na siya ng altar kasama ang kuya niya na best man at kanilang papa. Tiningnan niya ang prosesyon ng mga ninong at ninang and the rest of the entourage. Si Tristan lang talaga ang nag-iisang tao na mula sa totoo niyang buhay. Nandito rin ang Tito Javier niya at ang kanyang lola at ang nag-iisang pamangkin niya na si Alyanna. Di na siya nag-imbita ng malayo nilang mga kamag-anak.

Natapos na ang prosesyon ng entourage at si Camille na lang ang naiwan. Naghintay ang kanyang ama sa gitna ng aisle. Diretso siyang nakatitig sa mga mata ni Patrick kahit may ilang metro sa pagitan nila. Mukha siyang di makapaniwala si Camille dumating si Patrick. Na sinipot talaga ni Patrick ang kasal nila. Kaya ba siya natagalan si Camille kasi naghintay pa siyang may magsabi talaga sa kanyang nandito na siya?

"Buti naman naisipan mo pang sumipot," sabi ni Patrick sa mahinang boses at sinigurado niyang si Camille lang makakarinig. Ang tingin ng iba dito na kung anong kasweetan o kahalayan sinasabi nya. O kaya pagpapasalamat dahil dumating siya. Pero mukhang mas mabuting di sya sumipot. Akala pa naman niya magiging malaya na ako.

Nakita niyang pumasok ng simbahan si Joshua Dominguez sa gilid ng kanyang mga mata. Sa gilid na mga pinto ito dumaan, para siguro di siya makagawa ng eksena. Alam pa naman ng lahat sa lugar na to na naging dati silang magkasintahan. Marami rami ring nagtanong sa kanilang dalawa tungkol sa naudlot nilang relasyon. Whatever that was. Ang sabi kasi talaga ni Camille ay walang namagitan sa kanila nuon.

Nangyari ang kasal na halos walang pakialam si Patrick kung tama ba ang ginagawa niyang pagsagot sa tanong ng pari. Minsan natatagalan pa siyang makasagot dahil tila wala siya sa sarili. Natapos rin itong tila tulala pa rin siya. Nang sinabi ng pari ang mga katagang "you may now kiss the bride," dun lang siya natauhan. Ilang Segundo ba siya nakatititg kay Camille nang wala sa sarili? Hinalikan niya si Camille na tila mahal na mahal niya ito. Nakahawak pa ang isang kamay niya sa pisngi ng babae.

Nagpatali na ba talaga siya sa babaeng ito? Ang babaeng sobra sobrang sakit ang dinulot sa kanya noon? Pareho silang nakangiti habang binabati ng mga bisita palabas ng simbahan. Nang makaabot na sila sa kotse, agad siyang bumitaw sa pagkakahawak niya kay Camille na tila ba napapaso siya. Goddamit! Nagpakasal na nga siya.

Pareho silang tahimik sa byahe papuntang reception. It was so fucking awkward for the both of them. Camille grew up thinking she was marrying Joshua Dominguez. It was what everyone expected of her. Patrick was expecting to grow up alone. His early childhood didn't do anything to make him want his own family.

Nang makarating sila sa mansion ng ama ni Patrick ay masigla ang pagsalubong sa kanila ng mga tao. The reception was for dinner. Lahat ng klase ng hayop ay pinatumba at inihaw. Parang piyesta ang nagaganap, hindi reception ng kasal. Bumalik sila sa pagpapanggap na masaya silang dalawa. Patrick's arm was at Camille's waist again.

Nang makarating sila sa lamesa na inihanda para sa kanila ay agad na namang bumitaw si Patrick sa pagkakahawak niya kay Camille. A singer was singing love songs with a live band somewhere in the background. Neither of them was listening as each of their fathers' gave pathetic speeches to keep up the pretense that they were in love with each other.

Nang oras na para kumain, tahimik pa rin sila. Marami silang naririnig na tawa ng mga bisita. Nang ianunsyo ng emcee na oras na para sa cake slicing ay agad silang ngumiti na tila walang problema at tinungo ang napakaengrandeng cake. Nagsubuan sila na tila nag-aasaran.

Nang ihagis na ang bouquet ni Camille ay isa sa mga kababata niya na bridesmaid sa kasal ang nakasalo. Si Tristan na man ang nakakuha ng garter. Napangisi siya nang mapait. Maganda na man yung bridesmaid. But he knows Tristan won't care either way. Matagal na itong manhid.

Nang matapos gawin ni Tristan ang dapat niyang gawin, naghiyawan ang mga bisita. Patapos na rin ang reception ng kasal nila. Isa isa nang nag-uwian ang mga bisita.

Kinalabit si Patrick ng isa sa mg assistant nung wedding planner. "Sir, oras na po para bumiyahe kayo papuntang airport para sa flight niyo." Tumango lang siya. Narinig ni Camille ang sinabi kaya tinungo nila ang kotseng nakahanda para sa kanila. Nakabihis na sila pareho ng mas kaswal na damit bago lang.

Pagkapasok na pagkapasok nila ng kotse, pareho na naman silang natahimik. It was the start of their lives together. Ayaw na sana niyang mag honeymoon. Ano namang silbi nun diba? Pero alam naman niya kung bakit gusto talagang may mangyari sa kanila ng kanilang mga tatay. There must be no grounds for annulment. Since there are only a few grounds for annulment, wala talagang pinalampas ang mga tatay nila. Mahirap hanapan ng ebidensya kung sakaling may makaisip sa kanila ng magdemand ng annulment. One ground is force or intimidation, pero mahirap patunayan yun. Another is impotence and STDs pero pareho silang wala nun.

Kaya wala na talaga silang takas.

Conveniently MarriedWhere stories live. Discover now