Judges: Audition Round

518 16 0
                                    

Pagbati mula sa Team Baliw!

Bago pa mang tuluyang magsimula ang labanan, hayaan n'yo kaming ipakilala ang mga huradong maaaring magligtas sa inyo para makapasok ng tuluyan sa patimpalak na ito. Ilan sa kanila ay maaaring pamilyar na sa iba dahil sa mga nakaraang season ay naging hurado na rin. At ngayon, sabay-sabay nating pagtuunan ng pansin ang kanilang mga sagot na maaaring makatulong sa inyo.

Judge #1: keired

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Weird
-Laging lutang
-Secret
-Red
-Geek

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Hinahanap ko 'yung makakukuha kaagad ng atensyon ko at hindi mahirap basahin.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Advise more on emotion? Syempre 'pag nagustuhan ko magpa-flood comments talaga ako.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang stress, ano iyon?

-Na-stress ako sa tanong. Siguro ang hamon ko ay makagawa ng kakaibang character na gagamitin ang stress para makagawa sila ng kakaiba sa buhay nila.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-Sulat lang nang sulat.

Judge #2: Levelion

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Otaku
-Potterhead
-Facinated of heavenly bodies.
-Music Lover
-90's kid

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Siguro 'yong unique plot, twist, 'yung personality ng characters na mapapanindigan hanggang sa huli pero mararamdaman mo kung paano mag-grow at 'yong well detailed narration or POV.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Hindi ako professional, hangga't kaya ko, tanungin lang nila ako and I'm ready to share kung ano man ang mga natutunan ko sa pagsusulat. Without emoticons at 'yong mga capslock na sumasagad na, pati mga bantas na binabaha ang isang kuwento.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang stress, ano iyon?

-Short story/Fantasy/Dahilan kung bakit ka naii-stress.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-Enjoy writing, kasi kapag nag-eenjoy ka mas nabubuhay ang isang kuwento.

Judge #3: GandangSora

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-GandangSora in Wattpad and Tap, Milly or Miles to her friends and colleagues. Working as NET Developer. Reading, writing, drawing or playing RPG games are my hobbies. Former PH Wattpad Ambassador. Mabagal mag-update.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-A very unique one. 'Yung kahit clichè na 'yung story, interesting pa rin at maeengganyo akong basahin. 'Yung mararamdaman ko ang mga character at mapupukaw rin nito ang iba't ibang emosyon na mayroon ako habang binabasa ang story.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Like I always said, I'm not a professional but I can give my honest opinion about stories. Kung ano rin ang kulang at mga dapat i-improve. 'Yung kahit sa maliit na paraan, makatulong ako sa kanila.

LITERARY OUTBREAK: Save Or Die One Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now