Judges: An Adult's Eve

120 3 1
                                    

Here are your judges for this volume. We present to you:

Judge #1: greatfairy

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Hello! I'm Wattpad's greatfairy. Mahilig akong magbasa, and that's how I found Wattpad. I started writing on the site last November 2015. I've written several stories too. Mahilig akong mag-explore ng iba't ibang genre ng kuwento. I'm an Applied Mathematics graduate, however, I have the passion about writing. You can visit my profile to know more about me.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-It should have a tone. Hangga't maaari sana ay malinis. Write as formally as you can.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Sana matulungan ko silang ma-discover ang creativity na nakatago sa kanilang mga sarili. Writing requires passion, it won't work without one.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-A masterpiece comes from the heart of its creator. If you can imagine it, you can do it. Para makapagsulat ng isang magandang kuwento, magsimula kang magbasa. Writing starts from reading, reading and reading. Start thinking about your story's PREMISE then build your plot as your guide.

Judge #2: GandangSora

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-GandangSora in Wattpad and Tap, Milly or Miles to her friends and colleagues. Working as .NET Developer. Reading, writing, drawing or playing RPG games are my hobbies. Former PH Wattpad Ambassador. Mabagal mag-update.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-A very unique one. 'Yung kahit cliche na 'yung story, interesting pa rin at maeengganyo akong basahin. 'Yung mararamdaman ko ang mga character at mapupukaw rin nito ang iba't ibang emosyon na meron ako habang binabasa ang story.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Like I always said, I'm not a professional but I can give my honest opinion about stories. Kung ano rin ang kulang at mga dapat i-improve. 'Yung kahit sa maliit na paraan, makatulong ako sa kanila.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Just keep on writing. If it is your passion and you love what you do, don't give up. Kung mahal mo, huwag mong sukuan. Kahit may marinig ka pang negative comments and criticisms, don't take it by heart. Iyon ang gawin nating motivation to improve ourselves. Dahil kung wala ang mga iyon, hindi natin makikita ang dapat nating baguhin.

Judge #3: LadyEmanuelle

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Kilala sa mga nakakakilala sa 'kin (mga sampu sila) bilang Saph Pineda.
- (Dating) suki ng mga writing contest na laging umaasa sa deadline bilang go signal para makapagsulat.
-Tulala. Mas madalas magsulat ang isip kaysa kamay .
-Kinain na ng sistema .

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Kapag napaniwala ako at nadala sa pang-uuto ng gawa-gawang kuwento, alam kong nahanap ko na ang hinahanap ko.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Bihira akong mag-sugarcoat ng sasabihin. Sa mga honest opinion naman tayo madalas natututo hindi sa bola-bolang masarap lang nguyain at lunukin pero mahirap tunawin.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Hamon? Patunayan nilang 'di nasayang ang pagkakalaglag ng iba para makaabot sila sa round na ito. Isa pa, gusto kong makasaksi ng magaling na storyteller higit pa sa magaling na writer.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-'Wag limitahan ang kayang abutin ng imahinasyon. Kung nagdududa ka sa kakayahan mo, imagination mo lang 'yan. Haha. Hindi masamang magrebelde sa pagsusulat paminsan-minsan.

Judge #4: JustPlainlyMe

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Ako si JustPlainlyMe. Part-time writer at full-time asawa ni ironman.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Simple lang naman ang hinahanap ko sa isang istorya. Puso, talino at katuturan. Aanhin mo ang kuwentong walang emosyon? Aanhin mo ang kuwentong hindi pinag-isipan? At aanhin mo ang kuwentong basta-basta na lang isinulat? Ibigay mo sa 'kin lahat 'yan at hindi ako mangingiming bigyan ka ng A+.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Bukod sa mga komentong maaari kong maibigay, wala naman akong gaanong maitutulong sa kanila, kundi ang pagkintal sa kanilang mga isipan na hindi natatapos ang laban sa isang kontes lang. Hindi natatapos ang pagkatuto sa isang kontes lang. Ipagpatuloy ninyo ang pagkahayok sa pagsali sa mga kontes na ganito dahil dito kayo matututo tulad ng pagkatuto ko sa mga bagay-bagay mula nang maging kontesera ako.
At higit sa lahat, hindi masusukat ang kagalingan sa dami ng premyong natanggap o kontes na naipanalo. Nasusukat ito sa mga natutunan mo na kahit abutin man ng ilang siglo, hindi mawawala sa 'yo.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-I won't tell you what to do. It will only limit your idea. I want you to do it on your own. Give us something that you want to write and I know that it will be beautiful.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Panatilihing nakatapak ang mga paa sa lupa. Gaano man karaming papuri ang matanggap mo, huwag mo pa ring palobohin ang ulo. Kawawa ka naman 'pag pumutok iyan at bumulagta ka sa lupa nang sugatan.
Tandaan, ang mga nagtatagumpay ay ang mga taong marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan at hindi ang mga taong may stiff neck. Hahaha. 'Wag ninyong intindihin ang huli kong sinabi.

Judge #5: Missmaple

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Not really someone you'll be eager to meet. Just an ordinary citizen writing about the craziest thing she can think about on this world. Weird and random.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-As a reader, I really love to read something new, something fresh and something extraordinary. I want some thrill. Gusto ko 'yong hindi madaling hulaan. I want a story that will leave me craving for more. I want that feeling of awe as if lightning just struck me and rendered me speechless. WOW.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Siguro, p'wede kong ituro ang mga bagay na natutunan ko rin sa pagsusulat. I can give them tips to improve their writing skills.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Show. Don't just tell.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Give your best. This is a competition but you must enjoy this too. Write because you want to not because you're obliged to. Be sure that before this contest ends, there's something you learned, something you can bring home with you.

There you have it. They will be your judges for this Volume. Goodluck to you, Top 6!

  
Team Baliw
12/13/2017

LITERARY OUTBREAK: Save Or Die One Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now