The Revenge Of Miss Nerd [2]

83.3K 1.2K 108
                                    

2. BITCH FRIENDS GROUP

Ynah's POV

@University 

Nandito na rin ako. Buti nalang at hindi ako nalate. 4:45 AM na kasi ako nakarating eh. Muntik na talaga. At siyempre... Ano pa nga ba ang mabubungad at masasalubong ko ngayong umaga? 

Talisod, dapa, sumbat, trip at kung anu-anong ididikit sa likod ko, "Girls! Andyan na si Lola Nerdy!” Dinig na dinig ko dito pa lang, ang boses ni Nicole.

Tatlo silang magkakaibigan…

Nicole Gamboa~ Maganda, mataray, flirt raw? May guwapong boyfriend. Bossy, mayabang, masungit, siya nagpaplano lahat lalo na ng mga trip niya sa akin. Mayaman. Basta, siya ang pinakanakakataas sa lahat.

Pauleen Mae Ochoa~Malumanay, mahinahon? ‘Di masyadong mataray katulad ni Nicole. Parang sunud-sunuran ba siya kay Nicole. Maganda rin, mayaman, masungit, mayabang, cute.

Jessica Guttierez~ Kahit papaano mabait, maganda, KJ daw? Mayaman din ‘to. Cute, may boyfriend din yata? Palangiti. Kas kahit papaano, siya matino dun sa tatlo eh. Ningingitian pa ako.

Bakit ko ba sila pinupuri? E sila ‘yung madalas mangtrip sa akin.

Kumbaga sa Ibong Adarna, Si Nicole si Don Pedro. (Siya lahat nagpaplano ng masama. ‘Di nga lang kay Don Juan, kundi para sa akin) Si Pauleen si Don Diego. (Sige sunod sa mga plano ni Nicole. ‘Di naman palaaway imbis nalang pursigihin mo makipag-away)At si Jessica si Don Juan (Mabait, madalas magtanggol at KJ)

Biglang may humampas sa likod ko.. Parang may dinikit ba? May naramdaman kasi akong papel eh. 

Sanay na naman akong ganito. Araw-araw naman nila ko ginaganito. Kaya, hinayaan ko nalang ‘yun… Sanay na sanay na talaga kong napagtatawanan ng mga estudiyante dito.

“Hahahahahaha! Loka ka talaga Nics. “I’m a stupid, moron, crazy. ugly nerd” talaga isinulat mo diyan sa papel sa likod niya! Hahahahahahahaha.” Tuwang-tuwang sabi ni Pauleen.

Hayaan niyo sila. Basta ba kung saan ba sila masaya, eh.

Nakuha ko na naman lahat ng atensyon ng mga estudiyante sa paligid ko. At siyempre, umusbong na naman ang mga bulungam nila. ‘Yung iba natuwa, ‘yung iba naman naawa sa akin.

“Hahaha. Bagay sa kanya ‘yan.”

“Kawawa naman siya, lagi na lang siya binubully.”

“Dapat vinideo ko’ yun! Hahaha.”

“Grabe naman sila Nicole.”  Mga bulung-bulungan kong narinig sa kanila..

“Hayaan na natin siya girls. Okay na ‘yan, tama na. Sobra na eh. Baka may magsumbong pa sa atin.” Paawang sabi ni Jessica. Thanks Jessica.

“Hahaha! Hayaan mo nga siya. Bagay naman sa kanya yan eh! Ano ba Jess! You’re such a KJ. Makisali ka na rin kasi sa mga pinaggagagawa namin ni Pau. Nang hindi ka ma-OP diyan. Tss, Stupid Ynah!” Sinigaw pa talaga ni Nicole ‘yung pagkakasabi niyang, “Stupid Ynah”.

Hindi ko na lang pinansin yung nakadikit sa’king papel. Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba. Sanay na nga kasi ako, diba? Kung ano man ang nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ko, hayaan nalang.

Habang naglalakad ako…

Biglang may nagtanggal sa likod ko nung papel.

“Hi Bhez, hayaan mo na sila. Inggit lang sila sa ganda mo. Kakarating ko lang kasi. Sorry ah, kung ‘di kita napagtanggol kaagad, ah? Don't mind them nalang…” Si Faye pala. Tumingin muna siya sa mga bitch na ‘yun, at saka pabulong na sinabi na, “Such an insecures…”

TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon