The Revenge Of Miss Nerd [3]

65.4K 1K 55
                                    

3. WAKE UP AND REALIZE

Ynah's POV

Tapos na kami sa four subjects namin this day. So, break na namin. 

“Bhez, tara na sa canteen. Baka mamaya, singitan na naman tayo nila Nicole.” Yaya sa akin ni Faye.

“Oo nga. Sige, sige.”

Dumeretso na kami sa canteen.. Buti naman at nakaupo na yung “JeNiLeen” na grupo. (Referring to Jessica, Nicole at Pauleen)

Nakakuha na kami ng mga order namin. Kaya heto na kami ngayon ni Faye, papunta na sa favorite eating place namin.

“Nics, andiyan na.” Rinig kong bulong ni Pau kay Nicole. ‘Di ko talaga siya masasabing bulong kasi nga narinig ko.

“Ano ba kayo, grabe naman ‘yang plano niyo.” Sabi ni Jess na may parang halong pag aalala ang tono ng boses niya.

“Shh. Trust me girls.” At natiyempuhan ko namang kumindat si Nicole.

Alam na namin ni Faye na kami ‘yung pinag-uusapan. Teka, kinakabahan naman ako sa gagawin nila sa amin, kung ano man ‘yun. Wala na bang ibang daan dito. Ayoko dumaan dito sa table nila Nicole. Eh, mukhang eto nga lang talaga ang daanan para makaupo kami dun sa table namin eh.

Dineadma nalang namin sila, kahit sa loob-looban namin, kinakabahan na talaga kami.

Nang biglang…

*BLAAAAAAAAAGGGGGGG!!!!* 

Tinalisod ako ni Nicole.

“Hahahahahahahahahahahahaha! Classmates! Students! Look at her, hahahahaha. Oops, sorry. Ikaw kasi eh. ‘Di ka tumitingin sa dinadaanan mo. Tatanga-tanga kasi. Hahahaha!" Tuwang tuwa pang sabi ni Nicole.

At syempre, nakuha ko na naman ang atensyon nila. Buti nalang at ‘di napahamak si Faye. Okay lang ako nalang ang pagbuhusan ng trip nila, ‘wag lang si Faye. Best friend na best friend ko siya eh.

Tumapon sa akin lahat ng pagkain ko sa tray. Spaghetti, ice tea, adobo at ‘yung sauce.

Nang biglang…

“Miss, okay ka lang?” Nakita kong may nag-alok sa akin ng kamay, sa harapan ko.

Alok sa akin ni…

ZAYN LOUIS REALUBIT!!!

“Oh my God. Tutulungan siya ni Zayn!”

“Shet, oo nga!”

“Kawawa naman ‘yung girl.”

“Hahahahahahaha! Nakita niyo yung nangyari?!”

“Sayang! Dapat navideo ko ‘yun. Hahahaha!”

Bulungan na naman ng mga nakakitang estudyante. Bumulong pa sila, rinig ko naman! Teka, paulit-ulit na ‘ko? Tsss. Naiinis ako.

OMG. Teka, teka. P-paano ‘to. Paano ko tatanggapin ang kamay niya?! Teka. Naka-lend pa rin siya. Grabe. Kinikilig ako! Faq.

Pero, ‘di ko muna dapat paganahin pagkakilig ko! Hindi dapat ako magpahalata. RELAAAXX.

“O-okay lang ako. Sa...lamat.” Utal-utal kong sabi.

“Parang hin---“ Naputol ang sinasabi niya, dahil bigla namang kinuha ni Nicole ‘yun kamay niya.

“Babe! Ano ba. Hayaan mo na nga siya. Okay naman siya oh. Oh, tignan mo. Halata naman sa mukha niya na okay siya eh. Bagay pati sa kanya ‘yan. Hahahaha!” Naghigh-five pa silang tatlo, saka hinatak niya si Zayn palayo sa harap ko.

“Bhez, panyo oh. Lika, tayo ka na diyan. May pasa ka ba? Okay ka lang? May extra shirt naman ako dun sa locker. Tara, magpalit ka na.” Itinayo na ako ni Faye. Muntik pa nga akong madulas eh, dahil sa sauce. Pero, buti nakaalalay siya.

“Thanks, Bhez.”

Umalis na kami. Pero bago kami umalis, nilinis ko muna ‘yung mga pagkain na tumapon. Ako na ang nagpresinta sa janitor na ako na lang ang maglilinis. Ang nakakainis lang, ay pumayag naman kaagad ‘yung janitor. Okay lang naman sa aking ginaganito ako. Sanay na naman ako eh. Kahit deep inside, masakit…

Dumeretso na kami sa locker. Walang nagsasalita sa aming dalawa ng biglang nagsalita si Faye na ikinadurog bigla ng puso ko…

“Bhez, hahayaan mo nalang ba na ginaganun-ganun ka nalang ng mga tao sa paligid mo? ‘Di ka ba naaawa sa sarili mo? ‘Di ka ba lalaban? Kasi ako, nasasaktan din ako pag nakikita kong ginaganun-ganun ka lang nila lalo na't pag ‘di ka pa lumalaban.”  

Pagkasabi niya nun, nakita kong tumulo ang luha ni Faye. Haay.

Oo nga ‘no. Bakit nga ba ako nagpapa-api? Nagpapa-abuso? Ano ba kasing problema nila sa akin? Ngayon ko nga lang din napansin na inaabuso na nila pagiging mabait ko. Bakit ba kasi ang tanga ko? At ngayon ko lang naisip ang lahat?

“B-bhez, wag ka ng umiyak. Gustuhin ko mang gumanti, ang hirap. Paano ba? ‘Di ko na rin kaya eh. Nasanay na rin kasi akong ginaganun-ganun lang nila ako. Ewan ko rin ba *huk*, nawawalan ako ng lakas ng loob pag kaharap ko sila. ‘Di ko sila malaban-labanan. Kasi, ‘yun ang turo sa akin nila mama. *sobs*” Umiiyak na rin ako habang nagsasalita dito.

“Pero bhez, ‘di mo lang ba pagtatanggol sarili mo? I-inaapi ka na rin nila eh! Kahit self defense lang naman bhez. Isipin naman nila, tao ka rin naman! Pero, alam kong hindi nila maiisip ‘yun. Kaya sa sarili mo, isipin mo naman na tao ka rin naman. ‘Di ka hayop para ganun-ganunin lang nila. *huk*

What more can I say? Tama si Bhez.

‘Di ko rin kasi talaga kaya. Ako? Isang karaniwang estudyante, kakalabanin ang isang sikat na muse dito sa university namin? Taob naman kasi agad ako. Magkaharap pa lang, taob na agad ako. Siyempre, laki kaya ng ano niya. Hay.

“Bhez, ‘di ko mapapangako sa’yo na makakaganti AGAD ako sa kanila. But heto, balang araw.. Saka ako maghihiganti... Hantayin lang nila.”

“Talaga bhez?! Sige! Aasahan ko ‘yan. Promise ‘yan ah?!”Nakangiti nang sabi ni Faye. Buti naman at tumigil na rin siya sa pagiyak.

“Promise ‘yan. Harap pa lang kami, taob na agad ako dun eh. Siyempre, ‘yung dakota bogelia niya. Tutok na tutok sa akin. Ahaha! Maliit lang ‘yung ano ko bhez. Haha. Pero, na sa akin ang huling halakhak!”

“Loko ka talaga bhez! Hahahaha. Kunsabagay, may point ka nga naman. Hahahahahaha. Palit ka na ng uniform oh. Tara sa CR.”

“Sige, tara.”

TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)Where stories live. Discover now