C19: Wrongdoers

231K 5K 1.2K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.


---


Denise's POV

Hawak-hawak ko ang lunchbox na pinapabigay ni mama kay Andy. Biglaan na lang kasi siyang umalis sa Ospital at kapag binigay ko ito... magso-sorry ako at sasabihin ko na lalayuan ko na si Ash... para sa kanya. Naglalakad ako papunta sa classroom kung saan ko nasalubong si Andy. Papunta siya sa c.r na nasa kabilang hallway.

"Andy!" Tinawag ko siya ngunit hindi siya lumingon. "Andy!" Pagtawag ko muli sa pangalan pero sinuot lang niya ang earphones niya habang naglalakad na para bang sinasadya upang sabihin na wala siyang balak na pansinin ako. Tinignan ko lang si Andy habang papalayo siya. 

Ilang sandali ay tumuloy na ako sa classroom. Wala pa ring nagbabago, nakatingin pa rin sa akin ng masama ang karamihan na halos sunugin na ako sa mga titig nila. Inilapag ko ang bag ko at tahimik na umupo. Nakita kong pumasok si Vince. Tuloy tuloy siya sa upuan niya kahit na binati siya ng ilan sa mga kaklase namin. Napatulala siya sa black board na para bang may iniisip na malalim.

"Good Morning Denise!" Bati sa akin ni Summer habang papunta sa upuan niya na nasa likod ko.

"Morning." Tugon ko at ngumiti lang siya sa akin.

Nabaling ang tingin ko kay Ash na papasok pa lang sa classroom. Sabay sabay siyang binati ng mga babae sa klase.

"Gosh! Anong nangyari sa mukha mo Ash?" Narinig kong puna ni Anne sa kanya. Napatingin na lang si Ash sa akin at tsaka ngumiti.

"Wala lang to." Tipid na tipid niyang sagot.

Tinitignan ko siya habang papalapit siya sa kinauupuan ko.

"Sira ulo talaga yang si Ash." Wika sa akin ni Summer. Nilapit niya sa akin ang upuan niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Tumawag ba naman sa akin noong biyernes ng gabi tapos nadatnan kong ganyan na ang mukha."

"Ako ata ang pinag-uusapan nyo ah?" Hinatak ni Ash ang upuan sa tabi para umupo malapit sa amin.

"Hoy ang arte mo ha? Kinukwento ko lang naman kay Denise na nakipagbugbugan ka. Tapos sa akin ka pa tumawag. Anong tingin mo sa akin? Nanay mo?" Tumawa si Summer pagkatapos niyang magsalita.

"May tinawagan naman akong iba eh."

Napalunok ako sa sinabi ni Ash.

"Ikaw lang talaga ang handang tumulong sa akin." Ngumiti siya. Ngiti na hindi ko alam kung kalungkutan ba o kasiyahan. Mas lalo akong nakonsensiya. Mas lalo kong naramdaman na dahil sa akin kaya nanyari iyon kay Ash.

"Ay teka, sasama ka ba sa fieldtrip Denise?" Biglang tanong sa akin ni Summer.

"Oo eh. Nagbayad na ko." Sagot ko naman.

Class 3-C Has A Secret | completedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin