C35: The game of Death

169K 3.7K 1.5K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---




Andy's POV




"Ang ganda pala niya."


"Takte, di ko siya nakilala."


"Mas maganda pa siya sa Queen Bee."



Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sunod sunod na bulungan na naririnig ko. Sino ba ang tinutukoy nila?

Tinignan ko lang oras sa suot kong relo. Eksaktong 7:20 am, ang aga pa.

Binati ako ng ibang estudyante habang papaakyat ako sa 3rd floor. Kahit na section C ako, wala namang discrimination kapag tungkol sa pakikitungo ng ibang estudyante, basta wag lang isasama ang mga staffs at mga admin na yan. Para kasi sa kanila ... walang kwenta ang mga taga-section C. Hindi ko talaga alam kung bakit. May mga matatalino naman sa amin? Sa amin pa nga ang mga sikat pero bakit ba napunta ako sa section C?

Napansin ko ang ingay sa loob ng classroom.

Ano na namang gulo ang meron?

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang nagkumpulan na tao sa loob na akala mo'y may artista. Dederetso na sana ako sa upuan ko ngunit hindi ko nagawa dahil sa nakita ko kung bakit sila nagkakagulo. Pakiramdam ko'y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ko maialis sa kanya ang paningin ko. 

"Lilith?" Pagkasabi ko nang pangalan niya ay agad siyang lumingon sa akin.

Nakatali ang buhok niya at kitang-kita ko muli ang napakaganda niyang mukha. Tinignan lang niya ako at tuloy-tuloy na siya sa upuan niya sa dulo ng classroom.

Pinagmasdan ko pa rin siya habang siya'y tahimik na nakaupo. Nakatingin lang siya sa malayo kahit pinagtitinginan pa rin siya ng lahat. Hindi ko sila masisisi, napakaganda niya. Hindi ko alam na napapangiti na pala akong mag-isa.

"Ehem. Andy, pwede ka bang umupo?"

Napalingon ako kay Sir Buendia. Ako na lang pala ang nakatayo. Nakita ko naman ang mga mukha ng kaklase ko na halatang pinipigil ang mga tawa. Napakamot na lang ako sa ulo at napangiti habang papunta sa upuan ko.

Binati din ni Sir Buendia ang malaking pagbabago kay Lilith. Sinabi niya na isa raw itong magandang pagbabago sa kanya. Hanggang ngayon gulat pa rin ang iba. Nakausap pa nga raw niya ang nurse ni Lilith kanina at sinabi na isa itong malaking progreso at mukha raw na nakikisama na ang utak at katawan niya sa gamot.

Class 3-C Has A Secret | completedWhere stories live. Discover now