Chapter 9: Anniversary

394 14 9
                                    


**Riya's POV

   Break ko sa work ngayon kaya may oras akong ipasyal si Laurent. Weekends naman kaya wala rin siyang pasok. I decided na umalis na kaming dalawa lang ng anak ko at 'wag na munang isama si Leslie. I wanted to take him sa isang lugar na napaka-importante sa akin. And besides, ngayong araw na 'to, anim na taon na sana kaming kasal ni Lance. This day is when everything went down on us. Itong araw na 'to ang death anniversary ng anak namin na ipinaniwala ko sa lahat.

   Ngayong araw din na 'to ang death anniversary ni Stefan. Isa sa mga una kong ginawa nang bumalik ako ay ang puntahan siya. For the past six years, I'm still blaming myself for what has happened to him. He's a very good friend and I love him so much. Sobrang nakakalungkot lang isipin hindi man lang niya naranasan na maging sobrang saya sa love nang dahil sa akin. But I wish Stefan is happy now wherever he is.

   TATLONG oras din ang binyahe namin ni Laurent bago kami makarating ng Subic. Enjoy na enjoy siya mga nakikita niya. Lalo na ng makita niya ang dagat. Pero nakatulog din naman siya hanggang sa makarating kami sa rest house.

"Laurent? Wake up na anak. Andito na tayo." Malumanay na paggising ko sa kanya.

  Nagising naman siya agad at ngumiti sa akin. Hayy. Bakit ba sobrang kamukha niya ang tatay niya?

"Wow!" Agad na sabi niya nang makita niyang napakalapit namin sa dagat.

"You want to swim?" Tanong ko sa kanya.

"Yes yes!" Excited na sabi niya.

"Okay. But we have to go inside first, okay?"

  Binuhat ko na siya at naglakad na kami papunta sa rest house. I still have the duplicate key to this house. I've had it when Lance and I stayed here for a while. Well it's a good thing na hindi nila pinabago 'to. Gumana pa rin kasi yung susi na meron ako.

  Nang buksan ko ang pinto at makita ang loob, katulad pa rin ng dati. Halatang naalagan naman dahil malinis pa rin ito sa loob. Pumupunta pa kaya siya dito?

"Mom? Who lives here?" Biglang tanong ni Laurent.

Ngumiti ako bago ko siya sagutin. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya?

"Well, I used to live here with your Dad. It was before he goes to the outer space to be an alien." Pabirong sabi ko nalang.

  Tumawa nalang naman si Laurent. Mabuti nalang at kahit papaano ay nadadala ko siya sa mga pabiro-biro ko na alien ang tatay niya. Siguro sa paglaki niya, mafifigure-out din niya na hindi talaga alien ang tatay niya at pinagloloko lang siya ng nanay niya. Well siguro by that time, masasabi ko na ang totoo sa kanya.

   Naglilibot lang kami ni Laurent sa bahay nang makita ko ang pile ng magazines na nasa ibabaw ng kitchen table. Siguro ay nasa sampu ang mga ito at lahat ay foreign magazines. Lahat ng ito ay mga magazines na nag-feature ng designs ko!

  Umupo ako at isa-isang binuklat ang magazines na iyon. At sa unang-una palang ng mga designs na nagawa ko, napansin ko na ang malaking puso na nakabilog sa pangalan ko. Natawa ako ng mahina dahil dito.

Monique K. ❤

   Halos lahat ng pages na may nakasulat na pangalan ko ay may puso. Siraulo talaga si Lance.

**Jaron's POV

  LAST night was a blast! Extreme control ang ginawa ko para lang makatulog ng maayos. Hindi ako natulog sa kwarto ko dahil ayokong pahirapan pa ang sarili ko. Temptation is everywhere.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now