Chapter 12: Undo

477 12 21
                                    

**Sabrina's POV

Gusto kong magalit kay Lance. Gusto ko siyang sampalin. Pero wala akong karapatan na gawin yun. I did this to myself. Walang pinangako si Lance sa akin na papakasalan niya ako o mamahalin niya ako. Ang tangi ko lang naririnig sa kanya ay susubukan niya. Hinayaan ko lang na ganun ang relasyon namin. Hinayaan kong maging parang aso ang sarili ko na laging naghihintay lang na hagisan ng buto.

Pero bakit pa kasi siya bumalik? Bakit ngayon lang? Kung kailan handa ko ng ibigay ang lahat kay Lance. Kung kailan handa na akong lunukin ng buo ang pride ko para lang pakasalan niya ako. Sana noon pa binalikan na niya si Lance para hindi na ako umasa. I hate this. I hate that I can't hate her for coming back. I hate myself.

"Do me a favor, at least for once." Seryosong sabi ko kay Lance nang maramdaman kong medyo gumagaan na ang pakiramdam ko.

"Anything for you."

"I want to meet her."

For the last time, I just want to talk to her. Hindi para awayin siya or what. I simply just wanted to meet her.

**Cahriya's POV

"I don't know, ate. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng naging desisyon ko."

Tahimik lang din si ate Cairah. Hindi rin siya makapaniwala na nalaman na ito ni Lance. At ngayon, nagdesisyon na rin ako na ipaalam ang lahat sa parents namin. After six years, magpapakita na ulit ako sa kanila.

"Hindi mo alam kung gaano mo mapapasaya sila Mom and Dad kapag nakita ka na nila ulit lalo na't kasama mo pa si Laurent." Nakangiting sabi ni ate habang hawak ang kamay ko.

Tumango ako bumaba na ng kotse. Kinuha ko din si Laurent at inakay papalapit sa front door ng bahay namin. Nakatingin lang si ate Cairah sa amin habang nasa loob ng kotse. Alam kong matagal din siyang nagsinungaling sa lahat tungkol sa akin. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya.

"Mama? Kanino house 'to?" Tanong sa'kin ng anak ko na nagtatakang nakatingin sa malaking bahay sa harap niya.

"House 'to nila lolo at lola. Diba gusto mo silang mameet?" Nakangiting sabi ko.

"Yey! I'll meet lolo and lola na!"

Kumatok na ako sa pinto at hinintay na pagbuksan kami. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Laurent na nakatayo sa tabi ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam kong dapat kong gawin. I need to apologize for leaving, and for everything.

Huminga ako ng malalim nang magbukas ang pinto. Hindi ako agad nakapag-react nang makita ko ang gulat na mukha ng Daddy ko. Nanatili lang siyang nakatayo at tiim na nakatitig sa akin na para bang sinisigurado niya na ako nga ito. 

"Lolo?" biglang sabi nalang ni Laurent at kusa siyang lumapit kay Dad at kinuha ang kamay nito para mag-mano.

Mas lalong naguluhan si Dad. Hindi na niya alam ngayon kung kanino siya titingin. Kaya naman minabuti ko ng lumapit sa kanya at yakapin siya. 

"I missed you so much, Dad. Sorry po, ngayon lang ako bumalik." 

***

Kitang-kita ko kung gaano sila kasabik sa apo nila. Halos hindi bitawan ni Dad si Laurent. Para ngang ayaw niya pa itong ibigay kay Mom nung kakargahin na niya ito. Si Laurent naman, tuwang-tuwa rin sa atensyon na binibigay sa kanya. 

Kung alam ko lang na ganito, sana noon pa umuwi na kami.

"Riya, thank you so much! Hindi mo alam kung gaano kami kasaya ngayon na nandito ka na at pati ang apo namin." 

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα