Sketch - 28

394 16 0
                                    


Sketch – 28


Xyrus' POV


Di ako makatulog! Pano pa ba ako makakatulog nito eh pag iniisip ko pa lang yung nangyari kanina sa rooftop eh kinikilig na ako! Wahahaha! Bakit ba? Babae lang ba ang pwedeng kiligin ngayon?


*calling Nina <3*


Oo! Alam ko! Ako na ang korny! Ano bang magagawa niyo eh ganito talaga pag inlove!


"Hello?"


"Hi J ko! Buti at gising ka pa."


"Hahahaha di ako makatulog. Ikaw? Bat gising ka pa? Magteten na ng gabi oh."


"Di din ako makatulog eh. Kinikilig pa rin kasi ako. Di kasi ako makapaniwala na tayo na eh. Hihi." 


Napakagat naman ako sa unan ko. Hahahaha pucha! Kung pwede lang sumigaw ng dahil sa kilig, ginawa ko na!


"T-talaga? Ako rin. Hahaha."


"Thank you J. This is the best day ever!"


"Hindi. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sayo eh. Kinompleto at pinasaya mo ang buong araw ko. Pwede na akong mamatay ngayon noh."


"Hoy! Wag ka nga niyan! Eh di hindi na tayo magpapakasal?" 


Napatalon ako sa higaan ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Gayshit! Nagblublush este namumula talaga ako!


"Hello? J? Nandiyan ka pa ba?"


"H-ha? Ah oo. S-sorry. Hehe."


"J ko, matutulog na ako ha *yawn*. Inaantok na ako eh."


"Ah sige. Halata nga. Hahaha. Goodnight Nina ko."


"Goodnight rin J ko. Thank you ulit ah. I love you J ko." 


Napangiti ako sa sinabi ni Nina.


"I love you too Nina ko. Thank you din. Sweet dreams and sleep tight."


"Likewise. Bye J ko. MWA!"


"Bye."


*end call*


Hay Nina. Mahal na mahal talaga kita. Kahit alam kong nasasaktan na ako, okay lang basta ang alam ko mahal kita at mahal mo rin ako kahit pa mahal mo ako sa pagkatao ng kambal ko. Okay lang. Pero bakit nagsialisan sila Jian kanina? At bakit biglang bumaba si Xyza ng rooftop?

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now