Sketch - 31

386 16 0
                                    



Sketch – 31


Xyrus' POV


Pangtatlong araw na ngayon ni Xyza dito sa hospital. At hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Next week na ang concert. Konti pa lang naprapractice namin eh. Absent ako ngayong araw. Di ako pumasok kasi hihintayin ko magising si Xyza. Madali na ang dismissal kaya pupunta na lang yun dito sila Zander.


"Xyza. Kalabasa ko. Gumising ka na please? Wala akong mapagtripan eh. Wala akong inaaway. Wala akong maasar. Ang boring pag wala ka. Ano ba kasing ngyari? Bat bigla ka na lang nawalan ng malay? Kung inaantok ka, bat kelangan mo pa matulog ng tatlong araw? Ang takaw mo naman sa tulog." Pinunasan ko yung luha ko. Di ko mapigilan eh.


"Sayang nung moment natin. Nagtapat na ako sayo tapos bigla kang nawalan ng malay. May sakit ka ba? Anong sakit mo? Bat di mo sabihin saakin? Diba magkaibigan tayo? Promise. Aayusin ko agad yung kay Nina. Para maging tayo na. Mahal kita eh. Mahal kita Xyza at sigurado ako sa nararamdaman ko. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Iba ka kay Nina. Kaya please. Gumising ka na Xyza. Miss ka na ng virus mo. Miss ko na ang kalabasa ko." Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi yun. Hinawakan ko ang kamay niya.


"Gumising ka na please. I love you Xyza..."


Zander's POV


*one message received*


From: Mac :P

Derder! Mauna ka na sa hospital! Kami na ang bibili ng prutas. Ikaw na lang bumili ng bulaklak. Wag solohin si Xyza ha. HAHAHAHA 

-end-


Gagu talaga yung Mac na yun. Palibhasa crush si Xyza. Hahahaha. Oo. Crush nun si Xyza XD Di ko na rereplyan. Nakabili na rin naman ako ng bulaklak eh. Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ni Xyza pero napahinto ako sa pagpasok ko kasi may nakita at narinig akong hindi kaaya aya. Biglang hinawakan ni Xyrus ang kamay ni Xyza...


"Gumising ka na please. I love you Xyza..." 


Pagkasabi na pagkasabi ni Xyrus nun, nabitawan ko yung hawak kong bouqet para kay Xyza at dahil dun, napalingon si Xyrus.


"O Zander. *sniff* Nandiyan ka na pala."


"Y-yeah. Nagising na ba si Xyza?" 


Pinulot ko yung bulaklak at pumasok na ng kwarto.

"Hindi pa eh *sniff*"


"Umiyak ka ba?"


"D-di ah."


"Bat ka pala di pumasok?"


"Hinihintay ko si Xyza magising."


"Ah."


SILENCE...

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now