Matuto kang bumitaw

320 12 2
                                    


Matuto kang bumitaw sa mga oras na makakita ka ng iba.
Matuto kang bumitaw sa oras na kahit nakakapit ako ng mahigpit. Mahal,
masakit para sa akin,
pero kailangan ko na lamang pumikit upang mabawasan ang bawat kirot ng ngayong nalaman kong may iba ka ng nais,
ngayong may iba ng pinaghahandugan ang bawat ngiti mong pagkatamis tamis,
ngayong nakahawak at katabi kita pero ang utak at puso mo'y naiwan sa iba.
Kaya mahal,
Matuto kang bumitaw,
tutulong ako kahit na tila ginugunaw ng katotohanan na sa huli'y ako ay mangungulila na parang isang tutang walang amo.
Mangungulila sa presensya mo pero kung yan ang ikasasaya mo.
Malaya ka na. Matuto kang bumitaw at matututo akong magparaya, matuto kang bumitaw at wag magsinungaling na sabihin na ako pa ang sinisigaw ng puso mong nagkukumahog na yapusin ang init ng pagmamahal niya.
Matuto ka at ako ang masasaktan. Matuto ka agad sana,
ng mas mabilis akong makadilat, hindi yung itatago mo habang ako'y nakapikit.
Kaya Mahal,
matuto tayo sa isat isa.

Pahayag ng DamdaminHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin