Muta ng nakaraan

124 7 1
                                    


Isang araw nagising ako.
Nagising ako na dala ang resulta ng isang mahabang panahon.
Isang mahabang tulog kung saan ako, tayo ay masaya.
Kung saan tayo ay magkasama.
Tayo'y magkayakap na nakatingin sa mga tala.
Pero pakatatandaan ko,
Isang araw gumisng ako,
pinilit ko na nga palang dumilat na makita ang tunay na ako.
Isang ako na natatakpan ng mga talukap.
Ako na tunay palang nangungulila sa tunay at masasayang pagyakap.
Isang araw nagising ako,
dala ang produkto ng isang panaginip.
Mali isang bangungot.
Bangungot na inakala ko ako ay nakapulupot at nakasabit sa mga ulap, ngunit ako pala ay ang ulap. Ulap na nagbabadyang umagos.
Isang araw nagising ako,
nakilala ang mutang produkto ng pekeng pagmamahal mo.
Isang araw nagising ako,
kung saan tirik na ang araw,
kita ko na ang liwanag at handa ng hilamusan at kalimutan ang bawat mutang nagpapaalala sayo.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now