Chapter 1 - Gaze

15.8K 239 16
                                    

Keia's Point of View

Marahan kong iminulat ang mga mata ko para tumambad sa akin ang puting kisame. Mabilis akong luminga sa paligid. Nandito ako sa aking kwarto. Marahan akong umupo at inisip kung paano ako napunta rito gayong nasa labas ako ng bar kanina.


Nawalan ako ng malay. Napahawak ako sa aking noo at naramdaman kong may benda ito. I tried to remember what happened after I got struck, but I just can't. All I can remember was the guy who helped me and Clark.

Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bed side table at binuksan ito. 3:47 am. Anong oras pala ako nakauwi kung mag-aalas kwatro palang nang madaling araw? Napatingin agad ako sa pinto nang marinig ko ang paggalaw ng door knob. Napaayos ako ng upo nang malamang si lola ito. May dala siyang tray na may isang baso ng gatas at isang bowl ng soup.

"Dinalahan kita ng gatas. How are you feeling, apo?" my grandmother worriedly asked as she sat at the side of my bed.

"Okay naman na po, medyo kumikirot lang po ang noo ko."

Tinitigan ko si lola na may pagtatanong dahil naguguluhan ako sa nangyayari.

"Mabuti naman kung gano'n," nakahinga si Lola nang maluwag.

Inabot niya sa akin ang gatas kaya uminom ako nang kaunti saka ito muling ibinaba sa tray.

"Lola, ano pong nangyari?" tanong ko.

"Kaninang 1:00 am, may tumawag sa telepono natin kaya bumaba ako para sagutin, hindi ko kilala 'yung tumawag pero ang sabi niya ay sinugod ka raw sa hospital kasama ang isa pang lalaki. Tiningnan ko ang kwarto mo, wala ka rito kanina kaya dali-dali akong pumunta sa address na binigay no'ng kausap ko." Nag-aalalang pagkwento ni lola.

"Si Clark po 'yong kasama ko, lola.  Nasaan na po siya?"

"Sinugod kayo sa hospital, 'yung kasama mo, malala ang natamong mga sugat at pasa kaya hindi pa pinalabas ng doctor. Mabuti sa school ID niya, may emergency contact kaya dumating 'yung mama niya kaagad. Mild lang daw ang natamo mong sugat sa noo pero magte-text sa'kin si Doc kapag lumabas ang result ng CT scan mo. Pinayagan ka nang umuwi dahil nagising ka na kanina at mabuti naman na ang lagay mo sabi ng doktor." Paliwanag ni Lola.

"Sorry po 'La, hindi ko po alam na ganito ang mangyayari," ang tanging nasabi ko.

"Nako, sobrang nag-alala ako sa'yo, Keia. Bakit ba hindi ka nagpaalam na aalis ka kanina?"

"Hindi ko na po kaya ginising, emergency po kasi," palusot ko na lang.

"Kahit pa, mali pa rin 'yung ginawa mo. Iyan tuloy, napahamak ka pa. Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari sa'yo, may pasok ka pa naman na ulit sa lunes." Pagsermon ni Lola.

Napayuko ako at napatitig sa soup na nasa tray. "Hindi na po mauulit."

"Maayos na ba talaga ang lagay mo?" tanong niya ulit kaya tumango na lamang ako. "Oh ito, uminom ka ng gamot para hindi na sumakit 'yang ulo mo." Inabot sa'kin ni Lola ang gamot na agad ko namang ininom.

"Salamat po," nakangiting sabi ko kay Lola at niyakap siya.

"Sige na, magpahinga ka na."

-----

"Let's pray for each and everyone's soul to be blessed by our powerful God. Umiwas tayo sa mga kaaway. Amen," the Pastor said as he ended his preach.

Lumabas kami ng simbahan kaya inilabas ko ang dalawang candle na binili ko kanina. Kinalabit ko si Lola at nginitian.


"Lola, magtitirik lang po ako ng kandila para kay mommy at daddy," pagpapaalam ko sa aking Lola Leticia.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now