Chapter 3 - Coming

10.1K 157 18
                                    

Naging maayos ang first week ko ngayong second semester. Marami na agad na iniwang activities ang ibang teachers. Kaya medyo kinailangan kong mas mag-focus.

Pumasok ako sa classroom at umupo sa usual na upuan ko. Mas piniling huwag na lang daw mag-sitting arrangement basta raw huwag lang maingay. Ewan ko ba sa kanila pero okay na rin 'yon, wala naman akong katabi rito sa likuran which is pabor sa akin. I don't mind being alone here, actually.

Wala pang teacher kaya nag-sketch na lang ako sa likod ng notebook ko.

"Keia," I heard a deep voice called my name, napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

Nakatitig ito sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala.

How did he know my name?

Bahagya akong napangiti nang mapatingin ako sa notebook ko. Nabasa niya pala ang lettering ko. Sinarado ko ang notebook ko at huminga nang malalim.

"Bakit?" muli akong tumingin sa kanya.

"Tinatanong ko kung may nakaupo na ba sa upuan dito sa tabi mo?" tanong niya nang nakangiti sa'kin, itinuro niya pa ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Hindi ako nakasagot agad dahil parang pamilyar sa'kin 'yung itsura niya gano'n din ang ngiti niya. Tiningnan ko siya nang saglit bago nagsalita.

"Wala naman," I answered.

Napansin kong matangkad siya, hindi sobrang payat pero hindi masyadong mataba, sakto lang. Una ko ring napansin ay ang mga mata niya na may kalakihan, expressive ito at mukhang maraming gustong sabihin. Typical na gwapo at paniguradong pinag-aagawan ng mga babae kung baga.

"Sige, dito na lang ako uupo," he smiled and sat beside me.

Gusto ko sanang sabihin na sa ibang upuan na lang dahil hindi lang naman sa tabi ko ang bakante, mayro'n pa nga sa unahan pero umupo na siya sa tabi ko. Hindi ko naman gusto na magmukhang masama sa harap niya. 'Yung itsura niya pa naman eh parang mukhang bully na tatakutin ka kapag sinagot mo nang hindi akma. Muli kong binuksan ang notebook ko para magpatuloy sa pagle-lettering.

"Matagal ka na rito?" he asked me. I just looked at him. "I mean, dito ka na nag-aral ever since?" dagdag niya pa.

"Yeah, dito ako nag-junior high," I just answered then I continue sketching my name at the back of my notebook.

"Alam mo, parang kilala kita," he said.

"Talaga?" tanong ko lang sa kanya.

"Oo, I think I saw you somewhere. Transferee nga pala ako rito, by the way—" napatigil siya sa pagdating ng adviser namin.

Hindi ko na lang siya kinausap.

"Good morning class, kumusta ang lahat?" the teacher asked.

Most of the students answered in chorus.

"Before we start our lesson, I just want to introduce your new classmate, a transferee from Laguna," sabi ni Ma'am at itinuro ang direksyon kung saan nakaupo ang lalaking katabi ko. "Okay, introduce yourself here, hijo," dagdag niya pa.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now