"Unknown Title"

5.1K 10 0
                                    


-
Bakit kaya yung mga taong unang nakagawa ng ikasasakit mo ay sila pa ang walang alam sa sakit na nararamdaman mo?
Sila ang nauna, siya ang nauna, pinaramdam niya sa akin ang isang bagay na ngayon ko lang naramdaman...ang pakiramdam na wala na akong kwenta, na wala na akong pwesto sa buhay niya...pero bakit ako pa ang nakokonsensiya? sa aking paglayo, sa pag iwas sa kaniya..bakit ako pa yung masama? ginawa ko lang naman ang gusto mo..ang ginusto mo...pero bakit? Parang ako ang may kasalanan?.. Bakit tila hindi ko na maintindihan.
Noon...ang tanong natin sa mundo ay "ano kaya mangyayari pag pasok natin sa bagong eskwelahan...sa bagong buhay na ating mararanasan"
Pero ngayon..ang tanong ko "bakit ganito ang hinantungan?" Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari...sana hindi ako nag madali...sana hindi ko minadali ang panahon..na ngayon ay nangyari na.
Lumipas na...nangyari na ang pag buhol buhol ng relasyon, ang pag karoon ng gusot sa samahan na atin minsan na di'ng pinahalagahan.
Ang masasabi ko lang ay..
Sa panahon ngayon ang hirap na mag bigay ng tiwala, sa mga taong minsan na di'ng dahilan ng pag luha.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now