Paalam RPW

1.1K 11 1
                                    


RPW? Yan yung mundo kung saan pwede ka mag mensahe ng walang alinlangan sa kahit sinong online.
RPW? Yan yung mundong kahit sino pwede mo kaibiganin at gaguhin ng walang kahihiyan.
RPW? pwede mo mahanap dito yung mga taong magtuturo sayo kung paano sumaya sa mga bagay na hindi totoo at umiyak sa mga bagay na akala mo.. totoo.
Sabi ko noon hindi ako aalis sa mundong ito dahil di to ko nahanap yung mga kaibigan na kahit kailan hindi ako kakalimutan, yung mga kapatid na kahit nakakaubos ng pasensya ay hindi ka pa din iiwan. Siguro may mga umalis, nawala pero meron parin yung iba na nandyan pa rin.
Dito sa mundong ito, hindi man kayo mag kakakilala sa tunay na mundo at nag kakasama sa araw araw na pamumuhay pero sa rpw.. sa oras na mag online ka feeling mo araw araw mo silang kasama dahil sa mga ngiti, halakhak, iyak, na nakakawala dahil sa mga taong nakapaligid sa'iyo doon.
Minsan nga feeling mo kanina ka pa nag sasalita dahil sa buong araw na pakikipag usap o chat sa sisterhood, brotherhood at fam o pati na rin sa mga gang, at squad at marami pang ibang group chat na malaya ka tumawa, maging baliw.
Kalahati ng papulasyon sa RPW ay mga tahimik sa real world at sa real account tulad ko.
Yung nahihiyang makipag chat sa iba,
Yung feeling na gusto mo'ng makipag FC sa isang post pero di mo magawa kasi nahihiya ka.
Pero sa rpw.. walang pakielaman kung maingay ka mag post, maingay ka mag comment.. pero syempre di mawawala ang basher..
Pero sa oras na ito, tuluyan na ako lilisan at mag papaalam sa mahigit 2 and half year ko'ng pananatili sa mundong minsan ko'ng pinaniwalaan at dahilan kung bakit ito ako ngayon.
Salamat sa mala-mmk na pamumuhay na nangyari sa akin doon. Salamat at nakilala ko yung mga taong hindi ko akalain kakaibiganin at mamahalin ang isang tulad ko. Muli salamat at paalam RPW.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin