"Bride In Dream"

1.4K 90 100
                                    

"Bride In Dream"

Written by: JeiKei <3

A/N: Weee!! Hello po, bago lang po ako sa watty and this is my first time writing a story. Usually kasi ako yung taga-basa.. Hahaha!!  Sana po magustuhan nyo ^__^ This story is dedicated sa aking mga minamahal na "Out Of Stock" alaaaam naa!! =))

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

[ PROLOGUE ]

"Sabi nila ang pagsusulat daw, kapag masyado mong diniinan hanggang sa susunod na pahina mag-iiwan ng marka. Katulad din sa pagmamahal, kapag ibinigay mo daw ang lahat, sa huli... Yung sakit na gawa ng nakaraan, dala dala mo pa din hanggang sa kasalukuyan."

Tama naman sila.

Pero naisip ko lang, hndi naman pwede at imposibleng sa lahat ng pahina maiiwan yung markang ginawa mo diba. 

Dun, naisip ko na kahit anong diin pa ng sulat mo, kahit kailan hinding hindi yan magmamarka hanggang sa dulo.

Parang sa pagmamahal, kahit gaano pa kasakit yung naidulot sayo ng nakaraan. Darating at darating ka sa puntong mamamalayan mo nalang na hindi ka na pala nasasaktan.

Her POV

PAIN

Yan ba yung nararamdaman mo sa tuwing madadapa ka?

Yan ba yung nararamdaman mo kapag bigla ka nalang hahampasin ng wagas ng kaibigan mo dahil sa sobrang kilig?

O baka naman yan yung nararamdaman mo kapag natamaan ka ng lumilipad na bagay na para naman talaga sa taong katabi mo?

Siguro? Ewan ko.

Dati kasi, para sakin ang PAIN ay salita lang na ginagamit ko sa tuwing gagawa ako ng essay.

Masaya ang buhay ko at wala akong pakialam sa salitang yun.

Hanggang sa dumating yung araw na ako mismo ang nakaramdam ng sakit..

Sakit ng

Niloko

Pinaasa

Pinaglaruan

Pinagmukhang tanga

At higit sa lahat

Iniwan..

Posible pa nga ba kayang masabi ko ang mga salitang "Hindi na ako nasasaktan"?

His POV

PAIN

Tsk. Alam na alam ko na hindi lang yung kahulugan ng salitang yan kundi pati yung mismong pakiramdam.

Physically

Emotionally

Sanayan lang naman yan eh. Kung mahina ka, talo ka. *Smirk*

I don't care about other people that much, maliban na lang sa girlfriend ko.

Hanggang sa dumating yung araw na nakita ko SIYA,

I don't know if this is called cheating. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, bukod sa girlfriend ko, gusto kong alagaan ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko maexplain kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Pero habang tinitignan ko yung mga mata niya, I can see there's pain. At gusto ko yung pawiin.

Gusto kong ako yung maging dahilan kung bakit masasabi na niya yung mga salitang "Hindi na ako nasasaktan".

&quot;Bride In Dream&quot;Where stories live. Discover now