Chapter 5 - Flashback

254 38 13
                                    

A/N: First day of classes whole day agad?? ASTIG =.= Katamad tuloy gumawa ng requirements, haha!! Kaya ayan may UD =)) ENJOY PO!! 

Dedicated tong chapter na 'to sa magandang si Ma. Rhobbia Castillo ng IV-Einstein. Haha, ayan na Bia. Salamat sayo 

Vote..

Comment..

Be a Fan na rin po. Pwede nyo po kaming kausapin.

We need your opinions po. Thankyouuu :')

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

[ Chapter 5 - Flashback ]

Elize's POV

Nagmamadali akong lumabas ng court. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Paanong - - - 

"Hey Elize! Wait lang" Sigaw ni Kaye, pero hindi ko siya nilingon.

"Uy. Bakit mo 'ko iniwan? Saan ka ba pupunta ha?" sabi ni Kaye na humihingal pa.

Saan nga ba ako pupunta? Ang totoo, hindi ko alam kung saan. Basta dun sa makakapag pahinga ako nang matiwasay. Dun sa walang istorbo. Dun sa walang epal. In short, dun sa tahimik. -___-

"Tara sa Sweet D's" biglang hinila ni Kaye yung isang kamay ko. Sumunod naman ako.

Sumakay kami sa Ferrari 458 Spider niya papuntang Sweet D's. Alam niyang yun ang perfect place na pwede naming puntahan pag ganitong badtrip ako.

Nakarating na kami. Pagpasok namin sa loob, pumunta agad kami sa favorite spot namin. Buti nalang at walang masyadong tao. Maya maya tumayo si Kaye at umorder.

After 5minutes, dumating na yung order namin. Agad kong kinain yung slice ng strawberry cake. Ansarap talaga nito. *u*

"Hoy dahan dahan lang" sabi ni Kaye pero hindi ko siya pinansin.

Kain..

Kain..

Kain..

Tsk. Ubos na >___< Gusto ko pa eh. Ininom ko na lang yung strawberry milkshake ko. Wala na, ubos na yung strawberry cake eh.

Biglang may nilapag yung waiter. Plate na may dalawang slice ng strawberry cake. (-___-) hindi ko napansin na umorder pala ulit si Kaye. 'Wow, thank you' sa isip ko. Kumain ako ulet. Sarap eh ^___^

"Oy lagi nalang yan yung inoorder mo ah. Hndi ka ba nauumay?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Ah, hehe. Sabi ko nga favorite mo yan eh" ^___^

Kain ako ng kain. Nakatatlong slice pla ako ng strawberry cake na yun.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

Kaye's POV

Tignan mo 'tong babaeng to. Parang kanina lang badtrip na badtrip, nakakain lang ng strawberry cake eh nakalimutan na agad yung nangyari kanina.

"Oy, ikaw ba eh may balak na ubusin yung strawberry cake dito sa Sweet D's?" 

"Shut up =.=" Sunget! >3<

Hinayaan ko nalang siya sa pagkain, mas mabuti nang tahimik yan kaysa naman badtrip.

.

.

.

Gusto ko nang umuwi, ang daming nangyari ngayong araw T.T

"Uwi na tayo?" pagyayaya ko kay Elize.

&quot;Bride In Dream&quot;Où les histoires vivent. Découvrez maintenant