My Seaweed Prince IV

106K 960 105
                                    

My Seaweed Prince IV

 

-Lara-

                Inis na nilapitan ko ang grupo ng mga kalalakihan na nagkacara-crus sa dulong bahagi ng classroom. Demn! Ang mga lalaking ito lagi na lang walang pinagkatandaan. Mga Third high school na pero hindi pa rin marunong sumunod sa policy.

                Ilang sandali na lang at papasok na ang susunod naming Subject Teacher imbes na magbasa at humawak ng libro sa free time pagsusugal ang inaatupag nila?! Dyan sila magaling eh!.

                Ang President naman ng Classroom namin hindi na makapalag dahil mahiyain sya at matatakutin sa mga kumag kong mga kaklase. I rolled my eyeballs,  hindi ko tuloy malaman kung lalaki ba talaga sya o ano?!.

                Am I the only one who has balls here?!. To think na isa akong babae?!

                Hindi man lang nila napansin na nasa likod na nila ko. bahagya akong yumuko  sa kanilang grupo dahil ang loko ang sarap ng salampak sa sahig. “Sino ng nanalo?” tanong ko sa classmate kong si Gerald sya kasi ang nasa malapit.

                “Si Jack, tsh ang lakas makaloko ng putsa–L-Lara!?!” kulang na lang mag-rolling on the floor ang mata nya sa sobrang gulat ng lingunin nya ako.

                GULAT KA! Oh, Akala mo artista?.My eyes shine like a monster. Alam kasi nila na ako lang ang kaisa isang babae sa classroom na ito na hindi natatakot at mahilig kumontra sa mga kagaguhan nila.. “Ha? may sinasabi ka ba Ge-rald” pinatunog ko ang mga kamao.

                Nagsipaglingunan na rin sa side namin ni Gerald ang ibang mga siraulong miyembre ng CaraCrus Gang (..sounds like a syndicate eh?). Lahat sila nangatog ang itlog at nawalan ng kulay ang mukha.

                “Ilang buto kaya ang babaliin ko bawat isa sa inyo?”

                “Lara please spares our life!” >___< they said in unison. Infairness sabay sabay sila.

                “Ituro nyo ngayon din kung sinong gagong promoter ng sugalang ito at pag iisipan ko kung  bubuhayin ko pa kayo!”

                Para silang may iisang mga katawan na agad nagsipulasan palayo hanggang sa maiwan ang isang lalaking may kulot at magulong buhok. Nakasalampak din sya ng upo katulad ng mga kagrupo nya kanina. “Huh? Where did they go?” at talagang clueless pa sya kung bakit sya na lang ang naiwan sa gitna. He shrugged a shoulder. “Bahala sila akin na lang ito…” and now my friend, he’s busy collecting all the money they left on the floor.

                “Chancellor Ortega the Third!!!!! ” I swear hindi ako galit nyan ah. Hindi nga kulit!. Napadami lang yung Exclamation chuvanes ko. Ayaw nyong maniwala?! Tingin kayo sa doon sa pader. See?. nakikita nyo yung anino ko at ang pag gagalawan ng mga buhok ko na parang mga ahas ni Medusa?.  Come on people, hindi nga mainit ulo ko.

E-FilesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora