My Seaweed Prince VII

93.2K 888 192
                                    

My Seaweed Prince VII

 

-Lara-

                Tatlong araw ko ng hindi pinapansin si Chance. Yeah,3 f*ck!ng days! Kapag tina-try naman nyang na mag-open ng conversation deathly glare at ismid ang tinatanggap nya sa akin. Kahit ang mga kaklase ko nag lie low na rin mang asar. Ingat na ingat silang hindi mabanggit sa harapan ko ang pangalan ng kutong lupa because they were afraid na mag-berserk ako.

                Paano ako nag-Berserk?! *smirk*

                Oh well, Katulad lang naman ng nangyari kahapon nag away ang mag-jowariwap na si *insert female name here* at si *insert male name here* sa kadahilanang walang nakakaalam (just leave them to the couple). Etong si guy nagmamakaawa makipag balikan kay girl. At noong nandoon na sya sa finale ng cheesy moment nila at sasabihin ang ‘Please give me another chance’ line.

                Parang may napigtas na pisi sa utak ko ng marinig ang C-Chance word na iyon. I lost all my control at bago pa ko maging aware sa nangyayari nabuhat ko na pala ang table ni Teacher na nasa harapan at naitsa kay *insert male name here*.

                And yes mga kaibigan patay na po sya at ka-feeling ng mga anghel sa kalangitan habang nagsasayaw ng ‘SALSA’. Psh, kahit naman ganito ako may bait pa rin akong tinatago. Hey, believe me people. Uhm, nasa hospital lang naman sya at mga isang buwan lang namang mako-confine hehe. And take note ha! inaalagaan sya ng kanyang girlfriend. Tamoh! Ako pa ang reason ng pagkakabalikan nila. No big deal!

                Sabi ko nga sa kanila ng dalawin ko sila minsan sa hospital na they dont need to thank me for that. Pero alam mo ang sinukli nila? They kicked me out!. Oh diba mga walang utang na loob! Dinalhan ko pa man din sila ng isang kilo ng manggang hinog!. Punyeta nabawasan pa tuloy ako ng twenty pesos sa allowance ko.

                At lalo pang nadagdagan ang init ng ulo ko ng makita ang resulta ng mga quizzes at long test ko sa Chemistry. Lahat may red mark!. Swerte pa na nakakuha ako ng 10 points sa multiple choice. Grrrrrr, I hate Life! I hate Chemistry!.

                Worst of all, ang nakakuha ng pinakamataas na score sa Chemistry at kasalukuyang nangunguna doon ay si – SEAWEED MONSTER!

                “Congrats Mr. Ortega another perfect score!” Pinalakpakan sya ng buong klase.

                Ako naman dahil sa sobra kong inis. Nginatngat ko na lang ang mga test papers - na agad ko naman ding niluwa. Pwe! Hindi naman pala ito edible at saka ang sama ng lasa!.. Siguro kaya kami hindi mag-click ng Chemistry ay dahil nagsisimula sya sa letter ‘C’. Actually,  naisip ko na ring magpetisyon na alisin na lang sa English Alphabet ang letrang iyon. Why? Because it is a C-CURSE!!.

                “Ms. Natividad kailangan kitang makausap after ng klase.”

                “Opo Maam…” Ampf! Siguradong pagagalitan na naman nya ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nag-iimprove sa subject na ito. Baka naman pwede humingi na lang ng special project or something para lang maipasa nyo ko Maam?. Por favour! Kung magtatagal pa ko sa subject na ito hindi lang nose bleed ang mangyayari sa akin magkakaroon na rin ako ng internal haemorrhage dahil sobrang nabe-brain bleed na ko. AS IN!.

E-FilesWhere stories live. Discover now