#2 Paalam Gumamela

39 0 0
                                    

Nakapasok kaming dalawa sa last two pairs. Kung kanina nahihilo ako, ngayon hindi ko na alam kung paano ko pa ilalarawan ang estado ng sarili ko. Kung saan-saan na ko kanina pinagbobody shot ng ugok na 'to at halatang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.

Kami ang huling gagawa ng body shot para sa last round. Nakita kong naghubad siya ng T-shirt niya at napanganga ako saglit pagkakita ng abs niya. Ang ibang babae naman parang makikisali na sa laro namin.

"What do you think are you doing?" Ang tanong ko sa kanya.

"Akala ko ba gusto mong manalo tayo?" Mananalo nga kami sa laro pero matutrauma naman ako nito sa ginagawa niya. Hindi na lang ako pumalag.

Ginusto ko 'to diba? Kaya dapat na panindigan ko 'to! Good luck to me and my future!

Kumuha siya ng upuan at umupo ng naka slouch. "Sa abs mo ko i-body shot, baby." Fuchsia pink! Kailangan ba talaga seductive 'yung voice? Hindi naman kasama sa criteria 'yun eh! Napapatili ang lahat ng babae sa sinabi niya. Napalunok ako sa nakita ko kung saan naka lagay ang shot glass, nasa loob lang naman ng pantalon niya. "You'll need this." Ang sabi niya sabay abot sa akin ng straw. Kinagat niya ang lemon. Ginawa ko ang gusto niyang mangyari kahit labag sa kalooban ko. (Labag nga ba?)

Dinilaan ko ang abs niya kung saan nakalagay ang asin. (Kung magdidildil lang din naman ako ng asin at sa ganitong abs pa? Kalimutan na nating may nag-i-exist na salitang, ULAM!) Hinawakan ko ang magkabilang tuhod niya para kumuha ng suporta sa pagStraw ng Tequila na nasa loob ng pantalon niya nakalagay. (I repeat, nasa loob ng pantalon ng gagew!) Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ka init ng Tequila sa lalamunan. Tumayo ako para lumapit sa labi niya kung saan naman nakaipit ang lemon. Sinubukan ko na hindi maglapat ang mga labi namin pero anong magagawa ko kung siya mismo ang lumalapit. So sneaky!

Lahat nakatingin lang sa ginagawa naming dalawa. Nakangiti siya habang ako naman ay parang matutunaw na.

"Kailangan mong humiga." Ang wika niya na kinagulat ko.

"Guys, we need some space." Kinaladkad niya ako sa isang mesa at kinabig niya ang mga nakapatong dito.

Sinundan naman kami ng mga tao para ma witness ang gagawin naming palabas. Inalalayan niya akong humiga sa mesa. Mas nagulat ako ng sumampa rin siya sa mesa. Fuchsia pink! Kailan ba matatapos 'tong pangseseduce niya sa akin?! Kunti na lang bibigay na ko talaga! Tae!

"Lagay mo ang asin sa dila mo." Mahinang utos niya sa akin. "Bakit ko gagawin 'yun? T.I! Masyado mo na akong nilalamangan ha." Ang mahinang bulong ko sa kanya.

"Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha. Kuha mo?" Iyan na naman ang mala bedroom voice niya.

"Ilalagay ko nang Tequila at lemon sa pusod mo." Pagpapaalam niya.

Ramdam ko ang malamig na Tequila sa pusod ko. Piniga niya rin ang lemon doon.

"Ready?" Tanong niya sa akin.

He lowered his body to me and sucked my tongue.

Napapikit ako sa sensation na idinulot ng pag-angkin niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko sa ginawa niya.

Parang nawala lahat ng problema ko sa mundo kasama ng pagkawala ng tao sa paligid namin.

Elaine Anne:  The Gambler's Daughter  (On Hold)Where stories live. Discover now