#3 Friends?

32 0 0
                                    

Matapos kong suotin ang binigay niyang T-shirt umupo lang ako sa kama. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Nagulat ako sa mga flashback.

Pagdating namin sa kwarto niya buhat-buhat niya pa rin ako sa malakas niyang bisig. Nilapag niya ako pero hindi ako bumitiw.

"Talaga bang importante sa inyong mga lalaki kong kayo ang una?" Iyon ang mga tanong ko sa kanya. Bumitiw lang ako sa pagkakapit ko sa leeg niya nung sumagot na siya.

"Alam mo naman siguro kong anong reputasiyon meron ako diba?" Panimula niya. Umupo siya sa paanan ko at huminga ng malalim.

"Ano ba talaga problema mo at bakit ka nagpakalasing?" Hindi niya sinagot ang mga tanong ko sa halip ako 'yung nasa hot seat sa ginawa niya.

"I'm getting married." Ang tanging sagot ko sa kanya.

Sa tuwing maiisip ko na ikakasal ako kay Geoff hindi ko mapigilang mapuot. Gusto kong sumigaw at magmura. Hindi ako isang cheke na basta-basta na lang pipirmahan at ipambabayad sa kung sinong pinagkakautangan!

"You must be having some cold feet." Ang sabi niya sa akin. Tumawa ako, 'yung tawang alam mong puno ng puot.

"Sana nga I'm just having cold feet, pero hindi eh. Gusto ko makalimot. Kahit saglit lang." Hindi ko na napigilang humagulgol.

Masakit malaman na pinagkalulo ka ng nanay mo ng dahil sa bisyo niya. How ironic life can be? 'Yung iba gustong magpakasal pero walang gusto magpakasal sa kanila samantalang heto ako hirap na hirap sa mga nangyayari.

Kaya ko naman talaga ang magpakasal pero ang malaman na gagawin ko 'yun dahil ginawa akong pambayad ng nanay ko, iyon ang mahirap tanggapin. Para akong naglalakad sa bubog na nakapaa. Alam kong masasaktan ako pero 'yun lang ang tanging daan patungo sa pupuntahan ko.

Pinunasan ko mga luha ko at tinignan siya ng direcho sa mga mata. Ito ang dapat kong gawin. I won't give him the satisfaction when we get married. That's what I thought.

Lumapit ako sa kinauupuan niya at hinalikan siya. Nagulat siya sa ginawa kong paghalik sa kanya at hindi siya nakagalaw agad.

"Take it. I don't want it anymore." Hinubad ko ang blouse ko at akmang tatagalin na rin ang bra nang pinigilan niya ako.

"Don't!" Ang tanging nasambit niya

"Akala ko ba, ito ang gusto mo?" Hindi ko siya maintindihan, kanina sa bar inaakit niya ako pero ngayon tinatanggihan niya ako.

Napakomplikado talaga ng mga lalaki. Ka asar!

"Believe me gustong-gusto ko may mangyari sa atin pero hindi ito ang gusto mo." Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.

I can feel the sincerity on his voice. Hindi ako makapaniwala na ang gaya niya kayang pahalagahan ang tulad kong babae. I mean, sa reputasiyong meron siya alam ko na wala siyang pinapalampas na pagkakataon.

Elaine Anne:  The Gambler's Daughter  (On Hold)Where stories live. Discover now