WILDCARD CHALLENGE - Entry #1: Ang Selosong Bungo by Mr_JCA

96 3 0
                                    

Ang Selosong Bungo

by Mr_JCA

 

Masaya si Bungo habang hinihimas ng kanyang tagapangalagang doctor ang kaniyang ulo. Ito ang madalas gawin ng kaniyang amo sa tuwing nagpapahinga ito matapos ang mahabang operasyon, habang nagla-laptop at nanonood ng kung ano-ano – kung minsan pa ay napapahigpit ang hawak nito sa ulo niya.

Pero nagbago ang pakikitungo ng doctor sa kanya nang dumating sa buhay nito ang isang babaeng morena at maganda. Kapansin-pansin din ang dalawang malaking ‘mansanas’ nito sa gitnang bahagi ng katawan ng dalaga.

“Bakit hindi na sa ulo ko nakatuon si Dok?” may pagtatampong tanong ni Bungo sa kanyang sarili. Madalang na siyang hinihimas ng doctor at kung hihimasin man ay hindi ganoon katagal gaya ng paghimas nito sa dalawang ‘mansanas’ ng syota.

“Ano bang meron sa mansanas na iyan na wala sa ulo ko? At bakit ang hilig himasin ng babaeng iyan ang ulo ko? Meron naman siyang mansanas na pwedeng himasin ano mang oras.”

---

Isang araw, sa tahimik na opisina ng tagapangalaga ni Bungo ay biglang pumasok ang syota nito. Napansin niyang may hinahanap ito sa drawer ng doctor.

 Ilang sandali pa ay gumuhit ang ngiti sa mga labi ng dalaga atsaka nilabas ang kanina pa niya hinahanap. Isang injection na naglalaman ng pills na pampalaki ng mansanas.

Nanlaki ang mga mata ni Bungo at saka nagturan sa sarili. “Langya! Hindi naman pala natural ang mansanas na iyan eh!”

Dala na rin ng inggit ay nilibot niya ang kanyang paningin sa opisina ng doctor. Natuon ang kanyang paningin sa isang baril na nakalagay sa mesa. Marahil ay nailabas ito ng syota sa kahahagilap ng injection.

Tinignan niya ang baril na para bang gagalaw ng kusa. At parang isang himala na umangat ito atsaka tumutok sa mansanas ng syota. Kinailangan ng matinding konsentrasyon para makalabit ang baril at sa kabutihang palad ay nagawa naman iyon ni Bungo. Tumagas sa opisina ang katas ng dalawa nitong mansanas habang ang syota naman ay nawalan ng malay.

“Bulls Eye!” masayang turan ni Bungo. Masaya na sana ang lahat nang hindi lang dumating ang kanyang tagapangalaga. Gulat na gulat ito nang makitang nakahandusay sa sahig ang syota nito. Pero mas lalo itong nagulat nang makita ang injection.

Hindi niya mapigilang madismaya dahil sa nakita. Sa loob ng ilang lingo na paghimas niya sa mansanas ng syota niya ay pills lang pala ang dahilan ng pagiging malusog nito. At hindi siya makapaniwala na ang inaakala niyang mansanas na sariwa ay tinurukan na ng fertilizer.

---

The thoughts and the message stated in the story are purely innocent. The views and opinion of the readers do not necessarily affect the author, the story, the contest, and the site. BAWAL ANG GREEN.

WILDCARD ROUND: THE PUZZLE CHALLENGEWhere stories live. Discover now