Chapter 28

28.1K 438 16
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 28

 

“Being happy doesn’t mean that everything is perfect,

it simply means that you’ve decided to look beyond the imperfections in life.”

-Unknown

 

Magkahawak-kamay silang naglakas habang palabas ng Enchanted Kingdom. Buhat ni George si Geeo na mahimbing nang natutulog. Nakasunod naman sa kanila sina Blesie kasama ang boyfriend nito, si Sir Jason, na seryosong kausap sina Maynard at Boss Lee. Nauna nang umalis ang Syntax Error at ICL Koala. Maging sila, kinilig sa pagtatapat ni George.

“Love, thank you, ha?” nakangiting sabi ni George kay G sabay akbay dito.

“Para saan?” kunyari p

ang tanong ng dalaga.

“For making my day.” Napayuko si G at saka ngumiti. Kaunting pagsasalita talaga ni George, sumasaya na siya. Gano’n ba talaga kapag in love?

“You also made my day.”

“Alam mo ba kung sakalaing ‘no’ ang sinagot mo, kakanta ako ng ‘Pusong Bato’ tapos sasakay ako sa Wheel of Fate at tatalon. Ang tanga ko lang para pakawalan ang taong alam kong magbibigay sa’kin ng hinahanap kong kaligayahan.”

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni G. She could really feel the love of her boyfriend.

 “I love you.” Three hours na silang in a relationship pero ngayon pa lang ‘yan nasabi ni Georgina. Kaya itong si George, napatigil sa paglalakad a saka hinalikan sa pisngi ang kanyang girlfriend.

Pinanonood lang sila ng tatlo. Kinikilig si Boss Lee. She kept on asking kung kailan ba siya makakatagpo ng isang George at kailan kaya siya magiging Georgina na wagas din kung magmahal at mahalin.

“Bakit kasi kailangan pang maghanap gayong mayro’n naman sa tabi-tabi, naghihintay lang mapansin?” singit ni Maynard. Sa sinabi niyang iyon, isang malalim na tingin naman ang natanggap niya mula kay Sir Jason. Patay! Nandito pala ang kuya. “I will shut my mouth, sir.” Agad naman siyang nanahimik at idineretso ang tingin na kanina’y lihim na sumusulyap kay Boss Lee.

“Maynard Guizon, right?” seryosong tanong ni Sir Jason.

“Yes, sir,” sagot si Maynard nang hindi tumitingin kay Sir Jason. Natatakot siguro o kinakabahan.

“Alam mo, hindi naman masamang umamin ng nararamdaman. Kailangan lang, ‘pag sinabi mo, handa mong panindigan.”

Lumunok si Maynard at saka tumigil sa paglalakad. Dahil doon, napahinto rin sina Boss Lee at Sir Jason.

“O, ano’ng problema mo, Maynard? Bigla-bigla ka na lang natitigilan diyan,” tanong ni Boss Lee. “G, George, teka lang.”

 “Bakit? Ano’ng mayro’n?” Agad namang bumalik sina George at lumapit sa tatlo.

Huminga nang malalim si Maynard. “Miss Jacey Lee, can I court you?”

Nagulat ang lahat sa narinig nila.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon