Chapter 9

117K 1.2K 44
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 9

 

“One of the best feelings in the world is when the person you love

appreciates every single thing you did for him.”

Georgina

I was so upset. Nakaka-bad mood. Noong nakaraan lang napaka-positive ko. Ngayon, totally opposite! Lahat kami! Even Blesie and my co-employees, lalo na si Boss Lee. Pagkatapos niya sa’king sabihin ang issue na kinasasangkutan ng C&K, hindi ko na talaga ulit nakita ang ngiti niya. Nakakapanibago pero nararamdaman ko siya.

Sino ba namang hindi magagalit, maiinis, at malulungkot kung ikaw na walang ibang ginawa kundi magtrabaho nang tapat at maayos ay basta-basta na lang sisiraan? Ang masakit, naniwala sila sa mga issue na wala namang katotohanan. Iba talaga kapag malakas ang impluwensiya.

Now, according to the HR Department, may spy daw sa amin. May tao sa C&K na siyang dahilan kung bakit nagulo ang financial statements at kung anu-ano pa. Nakakasakit ng ulo, sobra! Lahat ng nagiging empleyado ng C&K ay tinatrato nang maayos ng lahat. Pero bakit ganito naman ang igaganti nila?

Ilang buwan na naming inaayos ang lahat. Sinusubukan naming ibalik sa ayos ang kompanya pero mahirap. Masyadong malakas ang kapit at impluwensiya ng may pakana ng mga ito. Hindi ko talaga inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon: mahihirapan kaming lahat nang dahil sa mga kasalanan at kasinungalingan ng iba.

Ako, bilang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Boss Lee, ay kailangang kumilos.  I should make a way to find who’s that freaking spy and liar in our family! Kung sino man siya, makikita niya!

“Georgina...”

Paano ko ba siya mahahanap? Think, G, think! Magki-Christmas party na, o. Nakakainis, ang bilis ng mga araw.

“Georgina Agnes.”

Dapat kasi hindi muna ini-annouce ‘yong sa “spy” e para mahanap talaga. Wrong move ang HR! Dapat nag-investigate muna sila.

“Ms. Steve!”

“Ay, anak ng kalabaw na kumakain ng damo sa palayan!” Sobra akong abala sa pag-iisip na hindi ko na namalayang kinakausap ako ni George.

“Miss Steve! Kanina pa kita kinakausap. Parang wala ka sa sarili mo.”

Oh,a handsome man was standing in front of me. Kanina pa siya? Ano namang ka-ano-han ang pinaggagagawa mo, Georgina.

“Uhm…s-sorry, Mr. Andrade. Pasensiya na. Ano’ng kailangan mo?”

Sana hindi niya naman isipin na nagpapa-ganda points ako sa kanya. Sorry, Georgie Boy. Ugh! Erase, erase! Nababaliw ka na, G!

“Napag-utusan lang akong magbigay ng mga invitation for the upcoming Christmas party. Kindly sign this if you're going to attend.”

Inabot niya sa’kin ang memo at list ng employees. Wala nang pagdadalawang-isip, I signed. Hindi naman required ang party pero masaya kasi talaga kaya halos lahat ng employees ay uma-attend. Sa mga ganoong gathering namin nakaka-usap si Boss Lee at nakaka-close ang mga co-employees.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon