Meteor Shower

100 5 0
                                    

Kinabukasan maaga kaming umalis ng bahay para maagang makarating sa bahay ng auntie ko sa Nasugbu. Masaya ako dahil makakakita na naman ako ng napakagandang sunset pero hindi ako excited na napakaraming tao na naman ang haharapin ko doon.

Habang naghihintay ng bus sa centennial road, nakita ko ang haring araw na tila nakangiti sa akin. Ngayon lang ulit ako nakakita ng pagsilak ng araw dahil lagi naman akong tanghali nang nagigising. Sa wakas, may napadaan nang bus. Sumampa na kami upang makapwesto sa biyahe.

Ako ang hari ng sablay, ako ang hari ng sablay...
Hinding hindi makasabay, sabay sa hangin ng aking buhay...
Hari ng sablay, ako ang hari ng sablay...
Ako ang hari, ako ang hari...

Tignan mo nga naman at naparinggan na naman ako kay aga aga eh. Inaano ko ba ang mundo? Wala na nga akong kinikilos masyado para di ako mapalpak. Wag naman sanang ganun maayos naman yung tao eh.

"Kuya Jacob! Gising na nandito na tayo!"

Nakaidlip na pala ako ng 3 hours. Buti nalang nagising ako ni Gigi kung hindi eh sablay ko na naman. Dahan-dahan kaming bumaba habang buhat ang kanya-kanya naming mga gamit na dinala. Ang simoy ng hangin, ramdam ko na ang probinsiya.

Sumakay pa kami ng traysikel mula sa babaan ng bus papasok sa gitna ng mga burol. Matagal na kaming bumabalik balik dito pero hindi ko pa din makabisa ang pangalan ng maliit na baryong ito. Makalipas ang 20 mins ay nakarating na kami sa maliit na daan papasok kina auntie. Nakita ko na naman ang maiksing tulay na kahoy na kagaya nung nasa Bridge to Terabithia na pelikula.

"Jimmy! Maraming salamat naman at nakarating kayo ng maayos, hali kayo sa loob nang maayos niyo na ang mga gamit ninyo.", mainit na pagtanggap sa amin ni auntie Madel na ang paboritong kapatid ay si papa.

"Ayy! Jacob, Gigi, naku malalaki na kayo. Tatlong taon na tayong hindi nagkikita buti naman at nakasama kayo.", bati ni auntie sa amin kasabay ang tradisyunal na pagbebeso at pagmamano. "Heto na ang mga pinsan ninyo oh, magkwentuhan kayo.", dugtong niya.

At nagsimula na ang pagpapanggap na hindi ako mahiya-in. Well, pamilya naman kaya why not. Tsaka matagal na din na hindi kami nagkita ng mga kamag-anak namin kay papa. Beso dito, beso doon. Mano dito, mano doon. Sa wakas ay biglang tumahimik na ang lahat at mas pinili ko nalang na lumabas muna. Nakakita ako ng duyan sa ilalim ng dalawang puno ng mangga. Yes! Mayroon na akong mapaglalagi-an dito. Picture picture muna ng sa lugar, ang ganda ng tanawin. Naisip ko, ang galing ni Lord na nilikha niya ito.

Lord,
Alam niyo po, ang galing galing niyo sa lahat ng nilikha niyo dito sa mundo. Sa pagbuo niyo po ng mga burol at mga bundok. Sa pagbigay niyo ng kulay sa mga damo at mga bulaklak. Sa pagpinta niyo po ng langit at mga ulap. At sa pagmamahal niyo po sa aming lahat. Sana po bilang tao ay may magawa din po akong matino, yung hindi sablay. Alam ko po na kaya ko pong gawin yun. Bigyan niyo lang po ako ng lakas ng loob.

Hay, buhay nga naman. Napakalawak ng mundo ngunit napakasikip ng lugar para sa mga taong kagaya ko. Isang araw, kaya ko ding magtagumpay sa ginagawa ko. Ang drama ko noh?

"Jacob! Kakain na ng tanghali-an!", tinawag ako ni mama para kumain.

Ang sarap ng mga pagkain, may tinolang manok at isda. Nilagang baboy at lumpiyang sariwa. Buti naman sana kung ikakataba ko itong mga pagkaing ito eh kahit yata anong dami ng kain ko eh hindi ako tumataba. Bahala na, basta ako alam kong gutom ako at kakain ako ng napakarami. Subo ako nang subo, masaral din talagang magluto ang mga kapatid ni papa.  Kaya hindi rin makakailang may taste ako sa pagluluto.

Pagkatapos kumain ay nagyaya sina ate na pumunta sa burol at maglaro hanggang sa paglubog ng araw kagaya ng dati. Napansin kong hindi pa pala ako nakakapagpalit kaya nagmadali akong magpalit at maghanda. Nagpaalam na kaming aakyat muna sa burol at babalik pagkatapos ng paglubog ng araw.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now