Wintermelon

66 1 0
                                    

"Denise! Gumising na, maaga pa tayo magsisimba at maglilinis pa tayo nitong bahay."

Nagising ako sa lakas ng boses ng kuya ko, badtrip naman at naputol ang panaginip ko. Pero hindi pa din mawala sa isip ko ang meteor shower kagabi, ang ganda lang niya talaga. Saka si Jacob Gregorio, hala! Yung cellphone ko nasaan na?

Jacob Gregorio: What a co-incidence! Nice meeting you, Denise :)

Nagreply ako...

Denise Manalo: Nice meeting you too :)

Akalain mo lang din naman talaga noh, hindi din siya maalis sa isip ko dahil sa nangyaring pagkasagi ko sa kanya na naging dahilan ng pagkahulog ng cellphone niya. Medyo napanatag ako dahil ibig sabihin na nagkausap kami ay maayos ang kalagayan ng cellphone niya. Ngayon okay na ako at pwede na akong magmove on doon.

"Denise ano ba? Nakaligo na ako't nakabihis eh hindi ka pa lumalabas diyan!"

Oops! Gotta get hurry nga pala dahil umpisa na naman ng nakakapagod na araw.

Sa simbahan...

Father:
May mga pagkakamali tayong nagawa sa ating mga buhay. Ilan sa mga ito ay nakaapekto sa mga taong nakapaligid sa atin. Minsan sadya, kadalasan ay hindi. Ang marapat na gawin ay ang pagtanggap sa ating mga kamali-an. Mga anak, ang pagpapatawad sa ating mga sarili ang nagbubukas ng pagkakataon sa atin na makagawa ng kabutihan sa iba. Ang Diyos nga ay nagptawad at higit pang naging mabuting kaibigan, tayo pa kayang mga anak Niya, hindi ba?

Ang ganda ng sermon ni father napapanahon. Kung nandito lang sana si mama, hindi ako magkukulang sa mga paalala. Nawala siya noong nakaraang taon lang dahil sa raptured aneurysm. Si papa naman nasa Qatar, nagtatabaho bilang manager sa isang hotel at siyang nagtutustos sa amin. Si kuya Miguel nalang ang kasama ko dito sa Pilipinas.

Dito ako pinanganak sa Cavite City pero naglipat kami sa Molino dahil nagkagulo sa pamilya ni papa. Doon na kami lumaki, bumalik kami dito ngayon dahil na rin sa pag-aalala ng mga tiyahin namin. Wala kasi kaming kasama ni kuya at baka raw ano ang mangyari sa amin sahul hindi kami nababantayan nang maayos. At dahil na din mas malapit, nagpalipat ako dito sa Cavite City campus ng CVSU, sa parehong kurso ko sa Imus campus na BSHRM.

"Milk tea tayo?", tanong ni kuya habang papalabas kami ng simabahan.

"Seryoso ka ba? Sige ba! Bago man lang tayo maglinis mapasaya man lang muna ako ng milk tea.", nakangiting tugon ko sa kanya.

Tumawid kami sa likod ng simbahan para bumili ng milk tea. As usual, wintermelon milk tea ang inorder ko na walang jelly, gusto ko kasi siyang plain lang. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, buti nalang at nasa loob kami ng shop. Bigla ko nalang din naalala ko si mama, umuulan nung nawala siya. Parang kasabay ng buhos ng ulan ang mga luha namin sa pagkawala niya. Lahat ng mga alaala niya ay nakatatak sa puso ko at di ko makakalimutan habang buhay.

"Hoy, ano yan? Wag dito denise alam mo namang mababaw din luha ko", bulong ni kuya sa akin.

Sariwa pa din kasi, wala pang isang taon noong nawala si mama. Pero masaya nalang din kami na hindi na siya mahihirapan pa sa heaven. Inakbayan nalang ako ni kuya habang inuubos ang biniling milk tea.

KABBLOGG!!

"Ay sorry po!"

Isang pamilyar na mukha ang nakita kong pumasok sa shop.

"Jacob?"

"Uy, hi Denise, sorry akala ko kasi matigas buksan ang pintuhan hindi pala, sorry.", paliwanag pa niya.

"Hindi, okay lang.", napangiti ako sa pagpigil kong tumawa. Makikita mo ang pagkataranta sa mukha niya at pautal niyang pagsasalita. Bumili rin siya ng milk tea at parang kagagaling niya lang din sa simbahan. Habang naghihintay ng inorder niya...

"Nagsimba ka din ba? Sino ang kasama mo?", tanong ko sa kanya.

"Si mama saka ang bunso kong kapatid, kayo ba nagsimba din?", sagot niya.

"Oo eh, kaso bumuhos ang ulan kaya tumambay muna kami dito.", sagot ko naman.

"Ay, okay na yung inorder ko. Sige Denise, balik na ako sa simbahan. See you sa school bukas!", tugon niya.

"Sige, ingat.", sabi ko naman.

"Hoy sino yun? Ikaw Denise ha kakalipat lang natin dito may nagugustuhan ka na agad. Sumbong kita kay papa!", babala ng kuya ko.

"Ang OA mo noh? Eh kita mo naman kung gano kasablay yung mokong na yun natatawa nga lang ako sa kanya. May atraso kasi ako dun school mate ko.", paliwanag ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang."

Napakaprotective ng kuya ko pero magandang bagay naman ang ganoon. Tumila na ang ulan at umuwi na kami upang mag-ayos ng bago naming bahay. Bitbit dito, bitbit doon. Lipat dito, lipat doon. Nagwalis at nagligpit ng mga damit at mga gamit. Buti nalang at marami akong nalaman sa pag-aayos ng bahay sa tiny houses sa youtube. Ang gaganda kasi ng mga nagagawa nila sa kahit maliliit lang na mga bahay.

6PM na nang matapos kami ni Kuya. Nakakapagod pero worth it. Ang ganda ng bahay namin, bahay na talaga tignan. Nagpahinga muna saglit bago maglinis ng katawan. Binuksan ko ang phone ko para tumingin tingin muna online.

Jacob Gregorio:
Ey! Sorry nadistorbo ko kayo ng boyfriend mo kanina

Denise Manalo:
Ha? Hindi ko boyfriend yun kuya ko lang yun. Patawa ka hahaha

Jacob Gregorio:
Ay sorry! Haha. Anyways sablay na naman ako kanina nakakahiya.

Denise Manalo:
Di ah. Kami lang naman tao doon di naman dapat big deal.

Jacob Gregorio:
Okay salamat naman kung ganon.

Nakakatuwa naman 'tong si Jacob sablay na praning pa. Pero feeling ko mabait naman siya kailangan niya lang ng self confidence. Bigla kong naalala, may pasok na bukas. Pinakiusapan ako ni Abigail na kumanta sa culminating activity at kailangan kong dumalo ng meeting bukas. Oo, medyo magaling ako sa gitara at may boses naman kahit papaano. Isa yun sa maishashare kong talent ko.

Abigail Funtilla:
Hi Denise! Reminder bukas dumalo ka ng meeting okay. Salamat!

Speaking of. Kaklase ko din kasi si Abigail noong elementary kami kaya alam niyang may talent ako sa pagkanta. Well, ito na din siguro ang paraan para di ako mahiya at maging komportable na sa school bilang transferee.

Jacob Gregorio:
Same ba tayo ng block? Kitakits bukas 😊

Denise Manalo:
MGT ba first class mo? Okay kitakits.

At eto pa, si Jacob. Parang at least hindi ako gaanong mahihirapan na mag adjust kasi may mga kilala na ako. Mukhang hindi naman masamang tao si kuya eh pormal pa sa jologs ang hitsura niya, inosenteng inosente.

Matapos kong mag online naligo na ulit at naghanda ng hapunan. Okay na yung bahay saka handa na ako sa school. May mga bagay pa siguro akong mas paghahandaan pero ang nasa isip ko lang ngayon ay kakayanin ko kung ano man ang mga bagay na iyon. I'm a strong and independent woman and I want to empower all women around the world, char.

Sabi nga, you have to just live your life whatever you want it to be lived. Ienjoy mo lang lahat at huwag matakot magkamali. Nariyan si Lord lagi para bantayan tayong lahat.

Love, Denise.

To be continued...

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon