A Rediscovered Letter

357 18 13
                                    

Sa aming apat laging nanggagaling ang pinakamalakas na tawanan, at gumagawa ng matitinding kalokohan. Sina Gale, Keith, Axel at ako. Kaming apat ang bumubuo ng isang grupo ng magkakaibigan na pinamagatang “Teenage Mutant Ninja Turtles.” Nanggaling kasi iyon nung first day of classes, tapos jinoke ko na gusto kong maging ninja paglaki. Nakisali naman ang dati kong kaklase at best friend kong si Gale. Tapos sumama na rin sina Keith at Axel, kaya naging apat na kami. Just like TMNT, right?

Kami naman ang laging nanggugudtaym at palagi kaming tinatawag na mga lukarit. Well, that's how we enjoy life, right? We were always that all-boy clique who would create comical mischief and noise.

Sa aming apat, sinasabi nila na ako ang pinakasikat. Paano kasi, lapitin ako ng mga babae, tsaka gwapo ako. (HAHAHA.) Samahan mo pa ng palagian kong pagsusuot ng iconic zebra-striped jacket ko, so I tend to stand out among the boys.

“May nagconfess na naman sa iyo?” nakabubuwisit na sinigaw ni Gale nang sabay-sabay kaming apat na maglunch noong isang araw.

Tumango ako. “Bakit ba?”

“Dapat sa akin na lang siya nagconfess,” tapos nagpapasikat pa si Gale. Mukha nga siyang unggoy, eh. (LOL, joke lang.) “Gwapo ko kaya.”

“Mas gwapo ako sa iyo,” awat ni Keith. “Ang dami-dami kayang nagkakandarapa sa kagwapuhan ko.”

“Ano ba? Dahil maraming nagcoconfess sa akin, ako ang pinakagwapo,” pagyayabang ko naman. “Kung may ebidensya kayo na mas gwapo kayo kaysa sa akin, ipakita niyo sa akin at maniniwala ako.”

“Pwe,” sinuntok ni Gale ang balikat ko. “Nakakabuwisit ka naman, Xander, ipinanganak ka pang chick magnet. Kailangan lumapit pa ako sa iyo para kahit papaano mahawa ako sa pagka-chick magnet mo.” At bigla na lamang lumapit si Gale sa akin hanggang sa maging clingy siya sa akin.

Ngunit may napansin ako sa sinabi ni Gale. “Ulitin mo nga ang sinabi mo.”

Kapit-kapit ni Gale ang braso ko. “Sabi ko, nakakabuwisit ka--”

Nakabubuwisit~” pagkorek ko naman na may kasamang tono at pagkumpas na ginaya ko mula sa Filipino teacher namin.

“Xander talaga,” pailing-iling pa si Keith.

“Nakatutuwa kaya yung mannerism na iyon,” depensa ko naman.

“Heh, sabi mo pa nakatutuwa. Isinasaloob mo talaga yung pagtuturo ni Ms. Domingo.”

“Natutuwa nga ako, bakit ba?”

“Heh, mga luko-luko talaga kayo,” ngiti ni Axel. Si Axel ang pinakatahimik sa amin. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi siya nagsasalita. Kumpara sa amin, konti lamang ang mga sinasabi niya. Tsaka siya ang pinakamature, kaya siya ang tinuturing namin na big bro sa aming magkakaibigan. Siya lang ang tumatawag sa akin na Alex. Karamihan kasi sa mga kaklase ko, ang tawag sa akin, Xander. “Nagpapayabangan pa kayo sa kagwapuhan, ta's napunta pa kay Ms. Domingo. Alex kasi, eh.”

“Ako na naman ang sinisi niyo,” hinampas ko nang malakas ang table namin. (Aw, ang sakit.) “Porket gwapo lang ako.”

“Magtuos na lang tayo sa isang laro ng chess, sige,” paghamon sa akin ni Keith.

“Pwe, natalo na kita sa chess dati, eh,” sagot ko naman.

“Tapos napunta pa sa chess,” Axel chuckled. Then, he started to change back the topic. “Di ba may girlfriend ka na, Alex?”

“Hmm?” uminom ako ng kaunting blue lemonade.

“Ang dami-daming gustong manligaw sa iyo na babae, eh. Pero di ba nila alam na may girlfriend ka na?”

Letter from EliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon