That Girl Is...

210 15 11
                                    

“Iba na yung avatar ni Elise, ah. Pero bakit lalaki?”

“Para kamukha ni Shiki. Gwapo ba? Haha.”

Nang nagkataon na marami kaming nagdala ng PSP, naglaro kami ng Monster Hunter. Kaming apat, pati sina Elise, Maki, Rydia, Lamont, Sheen, Oliver, at iba pa.

“Badass talaga ng student council president natin,” ngiti ko naman. “Nagdadala ng PSP.”

“Nagdadala naman ako from time to time,” sagot ng student council president namin na si Lamont. “Sinabi lang naman na huwag gamitin tuwing nagkaklase. Nagkaklase ba tayo?”

“Hindi.”

“Maglaro ka na lang at baka mamaya mamatay pa ang character mo.”

“Shit, ang dami nating naglalaro. Fun naman nito.”

“Tulungan kasi tayong manguha ng mga rare materials!” sabi ni Elise. “Psst, Xander!”

Nakalimutan nga ni Elise ang nangyari. Kung kausapin lang ako, parang typical na kaklase mo lang.

“Subukan mo namang akong--”

Subukin~” tinama ko si Elise. Pati pa mannerisms ko, tumatama pa habang naglalaro.

“Eh? Wala namang pinakaiba iyon, ah!” nagpout si Elise na parang bata.

“Meron. Di ka nakikinig kay Ms. Domingo.”

“Pwe. Magpakasal na kayo ni Ms. Domingo.” Nagtawanan pa ang iba naming kalaro sa sinabi ni Elise.

“Yak. Teacher-student romance? No, just no,” nandiri ako.

“Parang nalukot ang mukha mo, ha,” tawa ni Gale. “Baka mamaya mamatay pa ang character mo sa kakalukot mo sa mukha mo!”

“Tumigil ka, mag-co-concentrate ako,” kaya inasikaso ko ang paglalaro ng Monster Hunter.

“Oh, maganda iyan, Xander, ha, mag-concentrate ka,” sabi ni Elise.

“Opo, Mommy Elise. Good boy na po ako,” biro ko naman.

Binatukan ako ni Elise at ngumiti ito. “Corny mo.”

“Aray!” Medyo late reaction pa ako. “Yes naman, napatawa ko si Elise.”

"Napangiti lang ako. Yung nagmamayabang diyan na magaling sa Filipino, hindi pala alam ang pagkakaiba ng tumawa sa ngumiti."

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti nga siya. Ang cute ng ngiti niya. Hindi ko iyon makakalimutan...makalilimutan? (Never mind.) Napansin ko rin ang nunal niya na nasa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Sa totoo lang, hindi na ako nakapag-concentrate. Ano ba ang nangyayari sa akin at panay titig pa rin ako kay Elise? Her playful disposition is just too cute.

Anak ng tokwa, bumablanko na ang isip ko.

“Earth to Xander. Earth to Xander.” Buwisit na boses ni Gale. “Patay na ang character mo. Earth to Xander. Earth to Xander.”

Pagkatingin ko sa PSP ko, 'tang ina, patay na nga ang character ko! Napatay na ako ng mga kalaban. Shit naman, gusto ko nang murahin ang nagbablankong utak ko.

“Earth to Xander. Earth to Xander. Panay titig ka pa kay Elise. Earth to Xander. Earth to Xander.”

“Gusto mo ba talagang makatikim ng kamao?” I threw a death glare to Gale.

Yung iba ko namang mga kaklase, natawa naman sa ginawa ko. Maybe it reminded them of another Filipino teacher who always says that sentence.

“Makatikim ng kamao?” tanong ni Elise. “Xander, anong nangyayari?” Holy shit, ang inosente niya.

Letter from EliseWhere stories live. Discover now