Dedication

140 8 0
                                    

Sa totoo lang, masaya’t kuntento na ako sa buhay ko.

Teka, teka, ano bang klaseng buhay ang meron ka? Heh, baka yun yung tanungin mo, kaya hinanda ko na. Hihi. Ano nga bang klaseng buhay ang meron ako? Hmm... ah, oo. Simple lang naman ang buhay ko.

Well, hindi masyadong simple. I mean, paano mo tatawaging simple ang palagiang pagfafangirl sa anime crush ko na si Shiki? O kaya ang paggawa ng sandamakmak na slash fics—este, fanfics pala? O kaya ang pagbababad sa tapat ng computer para panoorin ang bagong labas na anime na naka-fansub na? O kaya ang paglalaro ng visual novels sa PSP o kaya sa smartphone ko? O kaya ang pangongolekta ng anime merchandise? O kaya ang pagsali sa mga anime conventions?

I take back what I said. Hindi pala ganoon ka-simple ang buhay ko.

Pero, di gaya ng iba, simple lang ang set ng friends ko. Kahit konti lang sila, at least mapagkakatiwalaan ko sila, tsaka lagi silang nandyan sa tabi ko, lalo na kung nagkakaroon ako ng ilang krisis sa buhay. (Ay, talaga?! Krisis sa buhay?!)

Tsaka masaya na rin ako sa kanila. At least I can be myself, right?

Okaa-san! Ipinagpalit mo na si otou-san?!” Agad kong tinanong nang nakita kong naglalaro ng isang otome game ang aking best friend na si Rydia.

“Ano?!” Tinago agad ng kaibigan ko ang hawak-hawak niyang smartphone. Maigahd, nakakatawa talaga ang expression niya! Sobrang priceless! Tapos ang pula-pula pa ng mukha niya!

“Anong laro iyaaaaaaan?” Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang mga balikat. Itinatago niya pa rin sa akin ang kanyang smartphone. “Yiiiiiiiiie, nakita ko kanina, nakasalamin yung lalaki. Don’t tell me it reminds you of—“

“Oh, come on!” pinatay ni Rydia ang kanyang smartphone at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay. “Pasensya na’t naka-develop na ako ng glasses fetish!”

“Sabi ko na nga ba, eh!” tinulak ko nang marahan si Rydia. Ayiiiiiiii! I knew it! One of my strong ships I’ve always held onto. Sabi ko na nga ba’t magiging cutie ang kalalabasan ng ship na ito! “Dahil kay otou-san, naka-develop ka na ng glasses fetish. Ayiiiiiiiie! Kaya pala siya ang pinili mong lover dun sa otome game na nilalaro mo.”

“Elise naman...” ayaw tumingin ni Rydia sa akin. Hihi, ang cutie talaga niya lalo na kapag nahihiya siya. Hay naku, ako talaga! “Baka mamaya marinig ka ni Lamont.”

“Okay lang yun kung marinig ni otou-san,” I smiled mischievously. “Pakiramdam ko nga, pareho sa iyo ang magiging reaksyon niya. Ayiiiiiiiiiie!”

Simula third year ko pa naging kaibigan si Rydia. Isang kapwa-otaku. Marami-rami rin kaming pinagdaanan. Marami-rami naman. This includes our fangirling saga and other things. Tsaka ang pagshiship ko kay Rydia at ang class president namin dati na ngayon ay ang aming student council president na si Lamont.

“And speaking of which, nasaan si otou-san?” Lumingon-lingon ako para hanapin si Lamont. Bakit wala siya ngayon? Late? May ginagawa sa student council?

Rydia shrugged her shoulders. “Ewan ko.”

Nag-pout naman ako. “Sayang naman, wala si otou-san dito, hay nako, nako!”

Ilang sandali ang nakalipas nang biglang may kumiliti sa tagiliran ko. Nyaaaaaah! Malakas ang kiliti ko dun!

“Nyaaaaah!” tili ko naman. Tumingin ako sa likod kung sino ba ang baklitang kumiliti sa akin. Ay, si Maki pala. I take back what I said! I mean the baklita thing.

Ngayon ko lang naging kaklase si Maki, kaso nga lang naging magkaibigan kami kaagad. Paano kasi, there’s a lot of things common between us. Also, she has very few friends, so how about becoming one of her true-blue friends? Hihi.

Message from AlexanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon