Confession

115 4 9
                                    

“Humaigahd, Elise, para kang manika!”

February 14. Valentine’s Day. Araw na rin ng JS Prom.

Nagkumpol-kumpol muna ang mga kaklase ko bago pa kami maglakad papunta dun sa mga tables. Hindi pa naman nagsisimula ang program, eh. Tsaka meron talagang mga batang ang agang dumating.

Nakasalubong ko ang mga kaklase kong halatang nagpa-hair and make-up sa salon dahil, grabe, ang intricate ng pagkaka-style ng buhok nila. Pinaliguan ata ng hairspray. Tapos yung mga make-up nila, ang kakapal.

Samantalang ako, nagpakulot na lang sa mommy ko at nagpamake-up sa tita ko. Isang magaling ma make-up artist ang tita ko. Nag-request ako sa tita ko na parang pang-manika na lang i-make up niya sa akin. And yep, hindi nga ako heavy sa foundation at blush-on, pero nagmukha na nga ako isang manika. Naging mapungay na ang mga mata ko. Okay, may blush-on din ako, pero konti lang. At ang linis kong tignan.

“Wow, para ka talagang cosplayer,” ngiti ni Rydia sa akin. Maganda rin siya ngayon. Hindi rin makapal ang make-up niya kumpara sa mga pabong iyon. Ang bongga nga ng gown niya ngayon. Para siyang isang bulaklak. No, I don’t mean in a negative way. Paano kasi, yung skirt niya, parang petals ng bulaklak na pinagpatong-patong... and it looks elegant on her. Ang ganda niyang magdala ng damit. Ayos na ayos sa porma niya at lalo pa niyang in-accentuate ang innocent yet mature look ni Rydia.

“Ikaw rin naman, ah~!” tinulak ko si Rydia nang marahan. “Nganga nga ako sa gown mo, eh!”

“Tanong nga ni Lamont sa akin kung naglalakad ba akong bulaklak!” Nagtawanan pa kaming dalawa. “Pero si Lamont naman, yung suot niya parang nagmula siya sa erm... 18th century France ba iyon? Britain? Ah, basta! Parang ganun!”

“Elise, ikaw ba iyan?” tanong ni Maki sa akin. Kumpara sa aming dalawa, simple lang ang damit ni Maki, pero classy pa rin. Parang cocktail dress lang ang suot niya, pero ang galing niyang dalhin ito. Hanga talaga ako sa mga best friends kong magaling magdala ng damit! “Grabe, para ka talagang naglalakad na manika.”

“Manika talaga, girl?!” Hindi talaga ako makapaniwala. Ang effective ng makeover nina Mommy at Tita.

“Oo nga, naku!” tawa ni Rydia. “Kulang na lang, eh, magsuot ka na ng contact lens para convincing na manika ka talaga. Pero grabe, still, para ka pa ring isang manika...”

Masaya kaming tatlo dito hanggang sa dumating ang dalawang lalaki na kaibigan din namin. Napatingin si Maki kay Sheen at bigla siyang napahawak kay Rydia, habang iniiwasan ang tingin ng lalaki.

“Wooooooow,” napatingin si Sheen sa akin. “Sino ka?”

“Ikaw talaga!” binatukan ko si Sheen. “Ako ito, si Elise!”

“Hala?! Ikaw ba ang baby namin?!” nganga si Sheen sa akin. “Bakit sumanib sa isang katawan ng manika ang baby namin?!”

“Loko ka talaga, Sheen!” tawa ko.

“De, joke lang. Hehe. Grabe ka, Elise. Iba ka na,” pinisil ni Sheen ang pisngi ko, tapos napatingin siya kay Maki. “Um, Maki...”

“Ano?!” agad na sumigaw si Maki.

“Umm...” mukhang nahihiya si Sheen.

“Aren’t you going to say it?” tanong ni Lamont kay Sheen.

“Sinabi ko na, okay?! Kaso nga lang, eh, kaso nga lang...” tinalikuran na kami ni Sheen. “Mamaya na nga lang!”

“God,” napa-facepalm si Lamont.

Kitang-kita sa mukha ni Maki na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Heh, ang awkward nga. Magkaibigan nga sila, kaso nga lang nalaman na lamang namin na aayain na ni Sheen si Maki na sumayaw kasama siya dun sa slow dance part. Don’t tell me there’s something going on between the two?

Message from AlexanderWhere stories live. Discover now