FYIP 1

137K 2.8K 723
                                    

BASAHIN MUNA ANG TRIP IN LOVE OR FALL IN LOVE AND FALL IN LOVE ONCE AGAIN BAGO BASAHIN ANG MAGULONG KWENTO NILA HANAKO AT DUSTIN PARA MAINTINDIHAN ANG MGA PANGYAYARI. ^________^

Alikabok & Labanos 1: Meeting Yohan.

Dustin’s POV

“Preeeeee! Samahan niyo akong bumili ng superman costume!” sigaw ko. Namomorblema kasi ako sa superman costume na yan. Bakit kasi kailangan pa yun? Ano na naman kasi ang sasabihin ni Hanako na baboy na yon?

“Darna na lang kasi!” sabi naman ni Kevin. Kanina pa nga nila yan pinupush! -___- naimagine ko tuloy na nakadarna ako! T_T

“Oo nga, mas madali pa.” sang-ayon ni Tyler.

“Litaw legs ko dun pre!” reklamo ko. Totoo naman e. nakapanty lang kaya si Darna!

“di baling litaw ang legs,wag lang ang eggs!”sabi naman ni Tyler.

 “HAHHAHAHHAHHA.” Tawa nila Kevin at Kyo.

Grabe mga to kung makabully sa akin.

“Nakabalot naman ang legs and eggs ko sa superman costume.” Sabi ko naman.

“Bakat naman ang eggs at hotdog mo,pre.” Tyler. Napansin namin na balik sa pang-aasar si Tyler. Mukhang bumaliik na siya sa dati.

“lalong lalo naman sa darna.” Diba?

“Hindi din. May mahabang tela sa harap kaya si Darna. Kaya matatakpan.”  Kevin.

“Grabe. Wala kayong kwentang kausap.” Sabi ko. Kasi naman e! bakit ba nila pinupush yung darna? Tsaka,hanako naman kasi! Bakit kailangan superman pa?

“Parang siya hindi.” Tyler.

“Bakit ba kasi superman? Anong gagawin niyo ni Hana?” kevin.

“Ewan ko nga e.” Ano kaya pinaplano ni Hanako?

“Bakit hindi na lang kasi budoy ang iportray mo? Effortless pa pre!” asar ni Tyler. -__-

Pwede bang balik  sa serious mode siya? Binubully ako e! T_T

“Mga gago. Makaalis na nga. Bibili pa ako ng Superman costume.” Tumayo na ako.

Lalabas na sana ako kaso biglang  nagmamadaling pumasok si Yuki.

“Oh!” gulat itong Makita kami. Hindi niya siguro inaasahan na andito kaming boys.

Napatayo naman si Tyler. Uyyy! magloLol na yan. Hahaha.

 Si Yuki naman ay nalinga-linga na para bang may hinahanap.  Si Ej siguro hinahanap.

“May kailangan ka?” tanong ni Kyo.

Forever You and I,Promise! (FYIP)Where stories live. Discover now