FYIP 11: DUTIES

66.2K 2.2K 331
                                    

FYIP 11: Duties.

Dustin’s POV

“Dali na kasi..”  pangungulit sa akin ni Labanos.

“Ayoko,nakakahiya kaya.” Sabi ko naman. Kakapasok lang namin sa kwarto namin—nila pala. Hahaha. Mahimbing naman natutulog si kutong lupa. Kakagaling lang din namin sa labas,ang intense nga nung laro namin kanina na truth or dare e.

“Bakit kasi hindi mo dinala yung pantapal mo?” tanong ko.

 “Hindi naman kita uutusan kung hindi mo kinalimutan dalhin yung gamit namin at kung hindi masakit ang puson ko.” Hinawakan niya ang ibaba ng tiyan niya.

Oo nga pala,may nakalimutan daw akong isang bag! kasalanan ko ba,sa sobrang excited ko hindi ko nadala yung isang gamit nila.

“So anong gusto mong gawin ko?” tanong ko na lang.

“Bumili ka nga.”

“’Hindi ba pwedeng humiram ka na lang sa mga girls ng pantapal mo? Tapos ibalik mo pagkatapos mong gamitin? Kung gusto mo ako pa ang maglalaba dun sa pinaggamitan mo bago mo ibalik sa kanila.”

“Alikabok,hindi nilalabhan ang napkin!!!”

Malay ko ba! -___-

“Edi pilipitin mo na lang bago ibalik!” -___-

“Hindi din binabalik ang napkin!”

“EDI DIAPER NA LANGF GAMITIN MO!!!”

“Wag kang sumigaw natutulog si Yohan!!”

“Sorry naman. Pero kasi hindi ba pwedeng humingi o humiram na lang?” kasi naman kung bibili pa ako,ang layo! Wala kayang malapit na convenience store dito. Tapos pantapal lang ang bibilhin ko?

“Bumili ka na lang..”

“Hindi ba pwedeng samahan mo ako?”

“Masakit nga puson ko.”

“Hindi ba pwedeng magorder na lang tayo?”

“Hindi inoorder ang napkin,Alikabok!”

“Hindi ba pwedeng baliktarin mo muna ang gamit mo ngayon?”

“Ang dami mong tanong! Eh kung bumili ka na lang kaya?”

“Ang layo naman kasi. Humingi o humiram ka na lang sa mga girls.”

“Alikabok,hindi lang naman napkin ang bibilhin mo. Kung hindi mo alam yung laman nung bag na kinalimutan ay mga gamit ni Yohan! Yung gatas niya,diaper at yung mga bottles niya.”

Forever You and I,Promise! (FYIP)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora