He's my "big brother"

309 5 2
                                    

Kristineeeeee! Kristineeee! sigaw ng isang pamilyar na boses.

Huh? Ahh, ikaw pala Kuya Alex bakit ka naman sumisigaw ng pagkalakas-laks? tanong ko

May sasabihin ako sayo at importanteng-importante tong sasabihin ko gusto kong tumingin ka sakin ng mabuti at pakinggan mo ang sasabihin ko. seryosong sabi ni kuya lex

Uhm, Ano, kasi Kuya Alex pwedeng mamaya na lang kita pakikinggan sa kung ano ang sasabihin mo pupunta pa ko sa library, Sige ah mauna na ko. nang lumakad na ako para pumuntang library nagulat ako dahil may bigla na lang humawak sa kamay ko at hinila ako.

Ahhh! sigaw ko sa pagkabigla sa ginawa ni Kuya Alex.

Pero mas may ikakagulat pa ko dahil sobrang awkward ng position namin ngayon as in super duper ultra mega awkward ka-kasi nakahawak lang naman siya ngayon sa beywang ko at sobrang lapit namin sa isa't isa to the point na nararamdaman ko na yung hininga niya ihhh >//////< wait! baka naamoy niya hininga ko pumapak pa naman ako kanina ng Boy Bawang, baka amoy bawang na hininga koooo! >_

A-ano ba! A-ano bang ginagawa mo, Kuya Alex!? tanong ko bigla sa kaniya para mawala yung awkwardness na nararamdaman ko pero mukang palpak kasi utal-utal pa ko.

Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko na importante ang sasabihin at sabi ko diba makinig ka sakin. seryosong sabi ni kuya lex at lalo pa niyang nilalapit yung mukha niya sakin

Ah- an- ano ba yung sasabihin mo? makikinig na ko kaya, pwede ba? lumayo ka naman sakin please. sabi ko sanya

Makikinig ka rin naman pala e. sabi ni kuya lex sabay ngisi.
"Gusto kong makinig kang mabuti kasi isang beses ko lang siya sasabihin. Kristine..."

Kuya Alex? *gulp* ano kaya ang sasabihin niya bakit huminto pa siya tanong ko sasarili ko

"Kristine..."

Huminto nanaman siya, ano kaya ang sasabihin niya? >_< kinakabahan akoooo!

"Ano ba yung gusto mong sabihin Kuya Alex bakit Kristine ka ng Kristine!? Diretsahin mo na nga ang gusto mong sabihin! pagutos ko sa kanya"

"Kristine, I Like You..."

"Sus! 'yan lang pala sasabihin mo, kala ko naman kung ano na, I Like You too Kuya Alex." mabilis kong sagot

5 4 3 2 1.....

"Huh? i like you? nagsabi ka ba ng i like you? " pagtataka kong tanong

"Oo, nagsabi nga ako. Hindi mo ba narinig? Gusto mo bang ulitin ko? Kristine, I Like You" malumanay na sabi ni kuya lex

"I Like You? You mean you like me? O_o are you serious? you're kidding!" pangungulit kong tanong

"No, I'm not, and right now I think I might want to kiss you." pabulong na sabi ni kuya lex habang nakatingin sa akin

O_o seryoso ba siya????

Unti-unti siyan lumalapit sakin sa bawat paghakbang niya papalapit sakin siya namang paghakbang ko paatras hanggang sa hindi ko namalayan na wala na kong maaatrasan na-corner niya na ko.

A-a-ano sa tingin mong gagawin mo ha!? Manyak ka pala kuya! manyak! manyak! pagsisisigaw ko habang hinahampas ko siya

Anong manyak? tanong ni kuya lex at bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay na pinanghahampas ko sakaniya.

unti-unti nang naglalapit ang mga muka namin.

w-wait. ano bang gagawin ko dapat ba kong pumikit? bahala naaaa. pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay ko na lang kung ano ang mangyayari.

Huh? Kuya Alex bakit ang lamig naman ng labi mo? Daig mo pa patay nito e.

*SPLASH*

GISING NAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Ahhhhh! Ang lamiiiiiiig!

Huh? Panaginip? Ha! Hahahahaha!

Syempre imposible nga naman na magustuhan ako ni Kuya Alex.

Mabuti naman at gising ka na natutulog na mantika male-late ka na po 'pag hindi ka pa kumilos.

Kuya Alex... bulong ko

Ha? may sinabi ka Kristine? tanong ni kuya lex

"Ah, wala sabi ko Good Moooorniiiing Kuya Alex salamat at dumaan ka ulit sa bintana ng bahay niyo para lang makapasok sa kwarto ko at gisingin ako para hindi ako ma-late sa first day ng klase." masayang bati ko sa kanya

"Baliw" pabulong niyang sabi habang nakangiti siya sakin.

Kuntento na siguro ako kahit ganito lang kami.

I'm in love with my &quot;Big brother&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon