Chapter 4 - Casa Tessoro

221 17 0
                                    


I stood frozen in front of Marnell and his father. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Lagyan lang ng coat at salamin ay parang kaharap ko na ang Doctor na nag-operate kay Mommy. Magkaiba lang rin ang style ng buhok nila but they look the same. Twice ko lang nakausap o nakita ng personal ang Doctor. Once nang ipakilala sya sa akin ni Dra. Ramos na syang tumitingin kay Mommy before at syang nag recommend kay Dr. Strat. Second time ay noong mismong day na ng operation ni Mommy.

She assured me na eighty percent ang rate ng operation ni Mommy. Sya rin ang nagbalita sa akin na success ang operation.

So how can I forget him or even his face?

At ngayon ay parang kaharap ko na rin sya dahil kamukhang kamukha sya ng Daddy ni Marnell. Pero impossible na iisa lang sila. Ang sabi ni Marnell ay Bernardo Marasigan ang pangalan ng Daddy nya. Dr. Strat on the other hand might have a foreign name pero pinoy na pinoy ang itsura nito.

Damn this is making me dizzy.

"Blair?" Untag ni Marnell sa akin.

Parang may kumurot sa akin para ibalik ang malay ko sa kasalukuyan.

"H-Ha?"

"Natulala ka." Nagtataka na sabi nya. "This is my Dad."

Tiningnan ko ang lalaki sa tabi nya. He was smiling, walang bakas ng familiarity sa expression nya at sa mga mata nya. Maybe I was just seeing things? Or magkahawig lang talaga sila?

"H-Hello po. Nice meeting you," Agad akong lumapit at naglahad ng palad.

Marnell's father smiled warmly. "Same to you, hija. Call me Tito Bernard. I'm a friend of your mother." Nakipag shake hands sya sa akin.

"Nasabi nga po ni Marnell."

"Ah, I have a lot of stories to tell you. Let me do it while we're eating. I am starving." Hinimas pa ni Tito Bernard ang tyan nya at tumawa sya.

Naupo sa dulo ng ten seater na dining table si Tito Bernard habang sa kanan naman si Marnell. Tumabi ako kay Marnell. Ayoko naman maupo sa left side nya.

Sinigang na hipon at ginataang alimango ang ulam. Agad akong naglaway sa pagkain na nasa hapag. Nagsimula rin na magkwento si Tito Bernard. Ayon sa kanya ay kaibigan rin sya ni Tita Astrid at ng iba pang pinsan nila Mommy. Sa way ng pagkukwento nya ay nakikinita ko na ang simpleng pamumuhay nila.

Sa paa ng Mt. Hagayon daw sila madalas na nagpupunta dahil may ilog doon at malamig at malinaw ang tubig. Just like what Tita Astrid said.

"I will give you the key to the property. I was just really waiting for Helen or anyone na bisitahin ulit iyon. Mabuti at may nagsabi kay Marnell tungkol sayo." Masarap kausap si Tito Bernard. He can be called one of those cool Dad. Unlike Mommy na old fashioned talaga at kailangan maging maingat sa pakikipag usap sa kanya.

It's still a bit uncanny dahil hindi ko malimutan si Dr. Strat na ngayong mas malapita ko nang kaharap si Tito Bernard ay mas lalong hindi maipagkakaila na sobrang magkamukha sila. Kahit ang build nila ay pareho rin.

"Thank you rin po for looking out for our property."

"No problem! What's with Helen these days? What's keeping her busy?" Bigla ay tanong nya halfway our conversation.

"K-Kakatapos lang po ng operation nya sa puso. She also doesn't know na nandito ako." Sabi ko.

Nawala ang ngiti nya. "Really? That's too bad. Is she doing okay now? Since she went to Manila as well as Astrid and the others ay wala na kaming communication. We stayed in Manila too for ten years pero wala na rin kaming naging connection until bumalik kami dito."

The Lonely Gods of Hagayon (On going)Where stories live. Discover now