Chapter 5 - Costume

243 22 3
                                    


Napa WOW ako nang makita ko na ang ilog. Unlike what Caloy said na baka tuyo ang ilog o mababaw ang tubig dahil mainit, naguumapaw pa nga iyon ng tubig. Walang naliligo at tao sa paligid.

Malalaki ang puno sa paligid kaya maraming shades against the sun. Sa bandang gitna lang ang medyo mainit.

"Sabi mo tuyo o mababaw ang tubig?" Sabi ko kay Caloy.

Nagkamot sya ng ulo at parang sya mismo ay nagtataka. "Oo nga po, eh. Hindi ko alam kung bakit ang taas pa ng tubig eh noong isang araw.."

Tumawa ako. "Ang sarap sana maligo."

"Pwede naman po. Kila Sir Bernard na lang po kayo magbihis." Suggestion ni Caloy.

Pinakiiwan ko ang backpack ko sa booth ng bayaran ng environmental fee para wala akong dala habang naglalakad. I still have two set of clothes.

"Bakit pala walang tao? Lahat sila nag hike? Ang daming sasakyan sa baba, ah?" Nagtataka na tanong ko.

Nagkamot ulit ng ulo si Caloy. "Hindi ko nga rin po alam. Kapag ganitong oras dapat puno ng tao dito."

Tumawa ako ulit. He looked really confused. Pero dahil sa katahimikan ay lalo akong napapaisip kung maliligo ba ako. May plastic cover naman ang upuan ng owner kaya wala rin problema. Nakakahiya lang kung babalik ako kila Marnell at Tito Bernard.

"Caloy, pwede ba na sa motel sa may plaza mo na lang ako idiretso? Tapos hintayin mo na lang ako makaligo at makapagpalit tapos punta na tayo kila tito Bernard?"

Napakurap si Caloy. "Magmomotel pa po kayo?"

"Eh nakakahiya naman sa kanila. Dapat nga kagabi pa ako nag motel. May room pa naman siguro na available?"

Nag-isip si Caloy. "Siguro po. Doseng kwarto lang po mayroon doon pero mukhang mas marami ang nag camping kaysa nag check in."

Tumitig ako sa tubig. Grabe. Ang linaw. Kitang kita ang makikinis na bato sa ilalim. The water from the river is coming from the mountain kaya raw malamig.

"Ano, Miss Blair? Maligo ka na. Hihintayin kita tapos hahawakan ko na ang gamit mo. Mukhang wala ngang iistorbo sa inyo dito." Udyok pa ni Caloy.

"Ikaw? Sabayan mo kaya ako?"

Umiling iling si Caloy. "Nako, magagalit si Mama kapag umuwi ako ng basa. Naligo na rin po kasi ako kanina. Ako na lang po maghahawak ng gamit nyo." Dala ko kasi ang shoulder bag ko. May tiwala naman ako kay Caloy.

"S-sige." Binigay ko sa kanya ang bag ko. Hinubad ko ang rubber shoes ko at medyas then nagsimula ako maglakad papunta sa ilog. Kasehodang naka skinny jeans ako. The water is so dang inviting!

May malalaking bato sa mga gilid. Sabi ni Caloy may may mga tubig rin doon kaya parang pool raw ang dating. Agad kong naramdaman ang lamig. Dang. The water smells so fresh as well. Bago ako tuluyang lumublob ay pinakiusapan ko si Caloy na kuhanan ako ng picture sa cellphone ko.

Game na game naman sya. Sya pa ang nag sasabi sa akin ng ibang posing. Natatawa na lang ako.

Nagpasalamat ako sa kanya at tuluyan nang naligo. I swam to the middle. Lagpas tao na ang lalim pero malinaw pa rin ang tubig at kita pa rin ang mga bato. This time ay mas pino na ang mga bato kumpara sa gilid na medyo malalaki.

Sumigaw ako dahil sa lamig na naramdaman ko. It echoed. Tumawa ako at nag echo pa rin.

Tiningnan ko si Caloy na busy na sa cellphone nya. Sukbit nya ang shoulder bag ko at nasa paanan nya ang sapatos at medyas ko.

I swam to the other side kung nasaan ang malalaking bato. Palingon lingon ako kay Caloy until I reached the other side. Umakyat ako sa mga bato para makapunta sa tubig na nakakulong sa loob ng mga bato when I saw someone. Nakatayo sya at nakatalikod a few meters away from where I was.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Mar 21, 2023 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

The Lonely Gods of Hagayon (On going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें