WHAT IS ACCOUNTING?

2.1K 40 8
                                    

WHAT IS ACCOUNTING?

Have you ever wondered what is accounting? What does it mean being accountant? Being accountancy student? 

Accounting is defined as  the measurement, processing, and communication of financial information about economic entities.

Accounting is also called the "language of business".

Kung walang accounting/accountant, mahihirapan ang mga negosyante malaman kung kumikita ba talaga ang negosyo nila.  Malaki ang role ng mga accountant sa mga business owners. Habang may nagnenegosyo, may mga accountant. 

Sa tulong ng accountant, nalalaman ng mga negosyante kung may kita ba ang negosyo nila. Nalalaman din nila kung gaano kabillis  bumalik ang puhunan. Kung nalugi man sila, madali nila malaman kung ano ang naging sanhi ng pagkalugi. Ang mga accountant ay makakatulong din paano maresolba ang mga ganyang bagay. Nagbibigay sila ng opinyon nila base sa nakita nila. 

Accounting can be divided into several fields including financial accounting, management accounting, external auditing, tax accounting and cost accounting.

Malaki rin ang maitutlong ng mga accountant sa mga gustong magnegosyo. Ang mga accountant ay nagsisilbi ring financial consultant.  

Ano ba ang pinagkaiba ng licensed accountant at non-licensed? Unang-una, mas mataas ang sweldo ng licensed accountant. Kahit na mas mahirap pa ang trabaho ng non-licnesed o di kaya parehas lang naman sila ng ginagawa, mas may karapatan mag demand ng mas malaking sahod ang licensed accountant. Dahil kapag may license  ka, mas pingagkakatiwalaan ka sa kakayahan mo. Pangalawa, mas may malaking chance ang licensed accountant na ma-promote sa mas mataas na position. Pangatlo, licensed accountant lang ang may karapatang pumirma ng audited financial statements. Explain ko later sa next chapters kung ano ba ang financial statements na 'yan.

Licensed accountant din ang kadalasan na hiningan ng advice ng mga business owners when it comes to taxation. Very critical kasi ang tax. Magkamali ka lang ng kaunti, may chance na mapasara ang business. Lalo na kung kulang sa experience. When I say experience, I'm referring to knowledge. Though ang non-licensed accountant ay pwede rin naman mag file ng BIR returns. It's just the  matter of trust and credibility.


...END OF THIS CHAPTER...


In my discussion, hindi ko na isasali ang mga self explanatory since hindi niyo naman na kailangan ang tulong ko about do'n. Lalo na sa mga theories. I advice na magbasa kayo ng basic accounting book ten pages each day, Kahit hindi niyo maintindihan. Basta basahin niyo lang. I know boring at nakakaantok since theory nga kasi. Pero Malaki ang maitutulong niyan. I-goal niyo basahin ang basic accounting book 10 times. 

Everyone is also free to leave their comment/s suggestion/s question/s.  




Introdution to AccountingWhere stories live. Discover now