ATLU

572 19 12
                                    

Pinasunod ako nina Mang Kulas kina Janus at Solana. Malayo pa ang lalakarin bago makalabas sa mismong bahay. Wala na bang iinit dito sa lugar na 'to? Tinignan ko ang gilid ng bahay. Puro rice feild lang ang nakikita ko. Puno ng saresa at kung anu-ano pang puno.

"So ano kamahalang pulpol? Sasabay ka ba sa amin?" Maangas na tanong sa akin ni Janus. "May choice ba ako?" Ngumiti lang ito sa akin. Diretso pa rin ang mga ito sa pag lalakad. Si Solana nakayuko lang at nakangiti.

Maganda naman ito. Napaka amo ng mukha, matangos ang ilong. Maganda ang mata, mahaba din ang kanyang pilik mata. Ngunit yung pananamit niya? Tss, parang pinag lumaan ng panahon. At isa pa, anong silbi ng ganda niya kung hindi naman siya nag sasalita?

Nakita kong nakatingin ito sa akin. Inangasan ko ng tingin. Yumuko ito ulit. Tss

Nang marating na namin ang labas ng bahay. Nagulat ako sa bumungad sa amin.

"A-ano to?" Inayos ni Janus ang postura niya at pag katapos..

"Hindi ba't hahanap ka ng sasskyan?"

"Ano?!" Sigaw ko dito.

"Kamahalan.. heto na ang limousine mo. Sorry Gareta lang ang meron kami." Sabay kindat nito sa akin. Tuwang tuwa ito sa ginawa niya.

"What the fuck?" Carabao wagon yata ang tawag sa dumating. Dito isinasakay ang mga sako ng bigas. Kung hindi ako nag kakamali.

"Bakit may kalabaw? Huwag mong sabihing.." inilagay na nila ang mga bag nila sa gareta.  At sumampa na ang mga ito dito.

"Kamahalan,comon!" Inalok nito ang kamay niya.

"Hindi ako sasakay diyan." Nag pamewang ito, pagkatapos bumaba ulit ito at linapitan ako. "Jusko(Diyos Ko), Huwag kana choosy..nakikisakay ka na lang nga."

"Nakakabawas ng pogi points. Sa gwapo kong 'to isasakay niyo ako diyan? At isa pa hindi ako sumasakay sa sasakyan na walang aircon." Napakamot si Janus sa sinabi ko.

"Alam mo,kamahalang pulpol may aircon kami. Open aircon from mother nature." Maya-maya biglang may usok akong na amoy.

"Mangangamoy ako nito!" Reklamo ko. Napailing na lang ang dalawa sa akin.

"Kung ayaw mo. Bahala ka diyan. Selan na pamo ning tulok ayni. (Ang arte pa naman din ng ugak na 'to)"

"O sige," Nakatingin lang sa akin si Solana. "O bap ene kanu sake ing kekatamung pakamalan a kamahalan." (Tito hindi na daw sasakay ang ating pinakamamahal na kamahalan.)

"Hoy Janus huwag mokong ma alien-alien diyan, papatulan talaga kita."

"Hindi kita trip. Annyeong, Kamahalan." Sabay heart sign ni Janus sa akin. Sinusubukan talaga ng gagong to ang pasensya ko.

"Bap! Eya kanu sake i kamahalan!! Lezgow na!!" (Tito, hindi daw sasakay si kamahalan. Let's go na!)

"Nak, malayo ang lalakarin mo. Sigurado ka?" Hindi ulit ako umimik. Hinayaan ko lang ang mga ito na umandar na. Hanep na buhay talaga 'to.

"Tsaka metung pa ne. Este isa pa no?.. maraming aso diyan sa kanto. Mabilis ka bang tumakbo?" Kumunot ang noo ko.

"Inaasar mo ba talaga ako? Ha Janus?"

KEKA KU, KAKU KADär berättelser lever. Upptäck nu