LIMA

211 7 3
                                    

"So anong gusto mong sabihin? Ninakaw mo yung funds?" tinaas ko yung mga paa sa lamesa at ngumiti. Tuloy pa rin ako sa pag kain ng doritos at umiinom ng red bull.

"Oo." maangas na sagot ko. Halos mapanganga sila Kenny at Franky sa sagot ko. "Tangina, huwag niyo sabihin na i-jujudge niyo ako?"

"Gago ka talaga." pailing na sabi ni Kenny. Halatang dismayado ito sa akin. Pero, no regrets naman. Pare-pareho lang naman kaming nakinabang.

"Ako pa ba."

"Ano bang balak mo? Hindi ka ba naaawa doon sa Solana?" kumunot ang noo ko habang halos masamid sa iniibom ko.

"Bakit ako maaawa doon? Tska kahit naman nakawan ko yun hindi yun mag sasalita. Hindi ako gago, bat ko naman kakaawaan 'yon?" Tumawa lang ako ng malakas pero mukhang hindi sila natutuwa.

"Mga kaibigan ko ba kayo? Pare mag kano lang yon. Wala pa yatang sampung libo." chill na pag kasabi ko. Pero halatang mga siryoso na ang dalawang kupal na' to.

"Kahit na pare, nakaw pa rin 'yon. Tangina naman Pierre, nag nakaw ka na naman," May pagkadismaya sa boses ni Kenny. "Sus. Bahala kayo. Kokorni niyo talaga. Pero aminin niyo nag enjoy naman kayo kagabi?"

Hindi na sila umimik pagkatapos. Basta ako, wala akong pakialam sa Solana na' yon. Walang pasok sina Kenny at Franky ngayon kaya nama. Tambay sila sa school. Para kaming artistang pinag kakaguluhan ng mga batang 'to. Hayayayay

"Hindi ka pa ba papasok?" Tumingin ako sa wrist watch ko. "Tss, hayaan mo na. May sarili akong oras. Papasok ako pag gusto ko." Sabay ismid ko sa mga ito.

"Sira ulo ka na talag Pierre." nandito kami sa may corridor, pinag mamasdan mag takbuhan ang mga freshman sa baba. Sa may flag pole.

Nandito kami sa tapat ng room namin. Pero ayoko muna talagang pumasok.

"Tangina ka talaga, Solana!" nang marinig ko yun. Siniko ako ni Kenny. "Solana, hindi ba yun yung pipi?"

Nag shrug lang ako. "Pierre,"

"Puta Francis, huwag ngayon."

Nakarinig kami nang sampal. Hindi na napigilan ni Kenny at hinatak niya ako. Pero wala akong aaminin sa mga ito.

Halos mukha ng bruha si Solana, maaring sinabunutan ito ni Juanita Banana. Nakapaikot ang mga ito kay Solana. Pinag tutulungan din siya. Nakatingin lang sa akin sina Frankie at Kennedy. Kahit na anong pa nila kay Solana, wala akong pakialam.

"Aren't you going to help her?" Tanong ni Francis. "Bakit sino ba siya? Kita niyo kung gaano siya kalampa? Ni dipensahan ang sarili niya hindi niya kaya." Nakatingin lang ako kay Solana. Tutal pwede namang mag seat in ang dalawa nag stay muna sila sa cassroom.

Dinaanan namin si Solana na akala mo'y basang sisiw. Kawawang nilalang. Nakatingin ito sa akin, tinawanan ko lang ito pag katapos.

"Hindi porke may diperensya ka magiging excuse na 'yon Solana. Sampung libo 'yon. Nakita ka daw ni Kira na pumunta sa palengke at namili! Ang kapal talaga ng mukha mo!" tuloy pa rin sila sa pag sabunot kay Solana.

Umiling lang ito. Nag sulat ito sa white board niyang dala,

"Ano ba yan? Mag salita ka naman! Puro ka nalang white board. Paawa ka din e! Bakit hindi ka na lang namatay? Tutal wala ka naman din silbi." Sabay bawi niya sa white board ni Solana. At hinagis niya yun sa simento. Sinubukan nilang sirain yun, pero inaawat na sila ni Solana.

Tumingin sa akin sina Kenny at Franky na para bang sinasabi nilang, di ka ba nakokonsensya?

"Wala akong pake sa kanya."pag mamatigas ko habang ngumunguya ng chewing gum. Napalunok ako nang mapatingin ito sa akin. Para bang nang hihingi ito ng tulong.

"Kakapal mu talaga lupang alti ka!" (ang kapal talaga ng mukha mong hayop ka!) sabay sabunot nung anak ni Juanita Banana kay Solana.

"Mag nanakaw! I-rereport ka namin. Wala ka talagang kwenta!!"

Tatayo na sana si Kenny, pero pinigilan ko ito. "Huwag kang maki alam. Hayaan mo sila. Away yan ng mga mahihirap." napailing na lang si Kenny.

"Sabagay, hindi na ako mag tataka. Ampon ka lang kaya hindi ka ntuturuan ng tama." Nag tawanan ang mga kaklase namin. Ni isa walang nag tatanggol kay Solana. Araw araw bang ganito ang buhay niya?

"Ano? Pipi na, useless pa. What a pity." Maya maya pa'y dumating si Janus. "Mamatay ka na lang kaya?"

Nang aktong bubuhusan siya ng juice ni Juanita,

"Juanita Banana!!" Dumating si Janus. Hingal kabayo ito at galit na galit. "Heto pa ang isang ampon." Lumakas lalo ang tawanan sa Classroom namin.

Linapitan ako ni Janus, "Ikaw, ayokong ipahiya ka. Pero umamin kana. Ikaw ba ang kumuha ng pera?"

"Aanhin ko yung pera ninyo? Baka nakakalimutan niyo kung gaano kayaman ang pamilya ko." Pinakalma ni kenny si Janus. Itinulak ko si Kenny na noo'y halos sapakin na ako.

"Ikaw lang ang may alam kung saan itinago ni Solana ang pera! Pumasok ka sa kwarto ni Solana kahapon. Nakita kita! Hindi ako nag isip ng masama dahil ayokong husgahan ka. Pero tangina!" napatingin sa akin si Franky. Samantalang ako, walang paki at chill lang.

" Alam ko kailangan mo ang pera. Nag inom ka kagabi, hindi ba? Kasama 'yang mga kaibigan mo!" Nakatingin lang sa akin sina Kenny at Franky. Sinubukan nilang umawat, pero pinigilan ko ulit ang mga ito.

Nginitian ko lang ito. Randam ko ang pagkapikon ni Janus sa akin. Galit na galit sa akin si Janus. Bahala kayong magalit. Dahil hindi ako aamin.

"Kahit mag putukan yang ugat mo diyan sa ulo mo sa galit. Wala akong ninakaw." naamoy ako ni Janus. Hanggang ngayon kasi, alam ko amoy alak pa rin ako.

Linapitan ni Janus si Solana. "Lalabas din ang katotohanan."

"Gago, wala akong pake sayo!"  Tinawanan ko lang ito. Masyadong O.A ang kupal.


Sa bahay kubo ngayon matutulog ang dalawang ito. Manghang mangha sila sa buhay nila sa Pampanga.

"Alam mo, mukha namang mabubuting tao ang pamilyang kumukupkop sayo" sabi ni Kenny.

"Tss, hoy. Huwag nga kayong maawa sa kanila. Mga mukhang pera mga yan" galit na sabi ko habang kumakain ng manga.

Nandito kami sa may kusina. Hindi kami sumabay sa pag kain sa kanila. Pero inasikaso kami ni Mang Kulas.

Mayamaya pa'y lumabas si Janus at kumuha ng tubig sa may pitchel sa harapan namin. Galit pa rin ito sa akin.

"Janus, mag dala ka ng mga kumot sa bahay kubo. Para sa mga bisita."

"Hindi naman po lalamigin ang nga yan. Dahil makakapal naman po ang mga balat nila."natawa si Kenny sa tugon ni Janus.

"Janus," pag susuway ni Tanda.

"Okay tang, pag dadala ko ho ng kumot ang 3 musketeers." nailing na lang ako. Samantalang sina Kenny at Franky tawa ng tawa.

Nag lagay ng katol sa ilalim ng mesa si Tanda, "Madaming lamok. Sayang naman yung mga balat ninyo mga apo." nakangiting sabi ni Tanda sa amin.

"Papasok na ako ne? Pag may kailangan kayo, tawagin niyo na lang si Janus. Maaga pa akong gigising bukas at mag tatanim ng palay."

Nag pasalamat sila kat Tanda, samantalang ako. Wala.

"Alam mo Pierre, ang bait ng matandang 'yon."

"Alam mo Kenny ang dami mong alam."

Mayamaya pa' y lumabas si Solana. Magang maga ang kanyang mga mata.

Nag papaawa na naman ang hayop.

Tinawag ito ni Kenny, lumapit naman siya. Nakipag sign language na naman si Kenny sa kanya.

Hindi ko alam kung anong sinabi ni Kenny, pero ngumiti siya pag katapos.

Tss, kailan kaya ako makakaalis sa impyernong 'to?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KEKA KU, KAKU KAWhere stories live. Discover now